MJ Veloso magti-testify vs illegal recruiters niya

By

Pinayagan ng korte ang Pinay na nasa death row sa Indonesia na si Mary Jane Veloso na magbigay ng kanyang testimonya laban sa kanyang mga illegal recruiters na nagpadala sa kanya ng dalawang kilo ng heroin sa Yogyakarta Airport noong 2010.

Ayon sa National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), ang testimonyang ibibigay ni Veloso ay laban sa kanyang umano’y illegal recruiters na sina Maria Cristina Sergio at live-in partner nitong si Julius Lacanilao sa Abril.

Sasagutin umano ni Veloso ang mga isinulat na tanong sa Yogyakarta prison sa harap ni Judge Castillo-Reyes bilang observer, NUPL lawyers, state prosecutors mula sa Department of Justice, representatives of the Department of Foreign Affairs, at ang defense counsels nina Sergio at Lacanilao na itinakda sa Abril 27.