Misteryosong suicide

By

Palaisipan sa pamil­ya ng isang janitor ang ginawang pagpapakamatay nito sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa kaniyang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ni PO3 Jerome Dollente, may hawak ng kaso, ang biktima ay nakilalang si Alnest Gelito, may live-in partner at residente ng No. 103- West Riverside Brgy. San Antonio, ng nasabing lungsod.

Labis namang ikinagulat ni Reginald Gab­riel, kapatid ng biktima na siyang nakadiskubre sa bangkay ng huli dakong alas-10:10 ng gabi na naka­bitin sa kisame ng kaniyang bahay, gamit ang kumot na itinali sa leeg.

Base sa pahayag kay PO3 Dollente ng kapatid ng biktima, nagpunta siya sa bahay ng kanyang utol para humiram ng pandikit o mighty bond suba­lit halos nanginig umano ang kanyang katawan sa labis na pagkagulat nang makita itong nakabitin sa kisame at wala ng buhay.

Agad umano itong humingi ng tulong sa kanilang ama at itinakbo ang biktima sa QC General Hospital subalit idineklra itong dead on arrival.


SHARE
Previous articleDO-RE-MI, NOSTALGIC
Next articleGREETINGS 04/21/2017