Misis sa Sorsogon pinatay

By

Patay ang isang misis matapos pagbaba­rilin ng dalawang armadong lalaki habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng tanghali.

Dead on the spot dahil sa tinamong limang tama ng bala sa katawan mula sa cal. 45 na baril ang biktimang nakilalang si Carmen Nieva, 52, residente ng Barangay Balocawe ng nasabing bayan.

Samantala, mabilis na tumakas ang dalawang hindi nakilalang salarin patungo sa mabundok na bahagi ng lugar.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang sa ginang habang patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga ito upang agad madakip ang mga suspek.