Milyong pabahay target bago bumaba si Duterte

By

Milyong bahay ang puntirya ng gobyerno ­bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Ito ang pahayag ni Presidential Commission­ for the Urban Poor (PCUP) Chairperson Terry Ridon patungkol sa programang pabahay ng pamahalaan.

“‘Yung backlog ho ngayon, based on HUDCC (Housing Urban and Development Coordinating Council) data, 5.6 million po ‘yung backlog ‘no by the end of the term of the President. So basically, we will have to be able to produce a million new houses by the end of the term,” ayon kay Ridon sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Para matugunan ang milyong pabahay, sinabi ni Ridon na malaking pondo ang kailangang ibuhos dito ng pamahalaan.

“And ‘yun pong sa pagtataya po ng PCUP, I think we would really need maybe around almost more than a trillion to respond to the housing crisis ‘no.

So and what we wanted to say is, the current level of spending for housing is clearly not enough to respond to even a large percentage of the problem of housing,” paliwanag ng PCUP chair.