Abante Tonite Interactive

Mga Sang’gre, aliw ang itsura sa Encantadia Blast

By
15

NGAYONG araw na ito (July 22) ang release ng mobile game ng Encantadia na Encantadia Blast.

Matutuwa ang mga ba­gets and not-so-bagets sa free game na ito sa puwede nang i-download mula sa App Store at Google Play.

Ito ang first mobile game na inspired ng isang Pinoy telefantasya.

Players can travel across the four kingdoms of Encantadia (Lireo, Sapiro, Adamya & Hathoria), then match and collect gemstones of power to protect the ba­lance of nature.

Nakakaaliw ang itsura ng apat na Sang’gre sa Encantadia Blast. Ang fierce ng graphic version ni Pirena.

Bukod sa gabi-gabing pagti-trend sa social media nationwide and worldwide, nakakatuwa ‘yung naglalabasang memes at mga fan art na inspired ng Kapuso telefantasya.

Panalo ‘yung nakita naming individual fan art posters nina Sang’gre Pirena, Amihan, Alena at Danaya na hanep ang creati­vity at mala-Star Wars poster ang dating.

Pinupuri ng viewers ang mahusay na pagganap ni Andrea Elaine Julian bilang batang Pirena. Sa galing ni bagets ay ang daming naiinis at nanggigigil dito.

Pabongga nang pabongga ang mga eksena kaya lalong inaabangan ang mga magaganap sa Encantadia na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.