Martin, sabik na maiuwi ang anak sa ‘Pinas

By

HAVEY: Dateline, Las Vegas. Habang nasa Las Vegas ako nitong Father’s Day weekend, nandito rin ang Concert King Martin Nievera na nag-Father’s Day kasama ng kanyang anak na si Santino at amang si Bert Nievera.

Nagpagupit muna ang mag-amang Martin at Santino sa salon ng kaibigang Bong Bella, at dinalaw ang lolo na matagal nang naninirahan rito.

Medyo sukdulan ang init ngayon sa Sin City of the World at karaniwang extremes ang weather kaya prone ang mga tao sa sakit.

Kaya para higit na maalagaan ni Martin ang kanyang anak, umaasa itong matuloy ang pagdala sa kanya sa Maynila.

Nakasalalay iyan sa ina ng bata na si Katrina Ojeda na may bago na ring boyfriend ngayon na si Jerome Florentino na dating John Jerome Hughes.

Sino na nga si John Jerome Hughes? Kung natatandaan ninyo, siya ay isang Batangueño at Irish-American na singer and tv host.

Dati siyang commercial model, actor, and TV host. Lumabas siya sa ilang pelikula at teleserye.

Nagteatro rin siya via Larawan at Tiboli. At naging suking host ng beauty pageant events noong 2002-2003.

Nakilala siya nang bigyan siya ng break ng yumaong Bella Tan ng Universal Records.

Isa sa mga unang guestings ni John (or Jerome pa siya dati) ay ang Martin After Dark kung saan kasama pa niya ang mga kapanabayan na models na sina Chris Garcia (asawa ni Erika Fife) at Alain Sia.

Walang kaso kay Martin kung nag-move on na sila pareho ni Katrina.

Ang major concern niya ay ang kanyang anak na si Santino na lumala­king kamukha ng Concert King.

***

WALEY: Tuloy ang pagbabalik-Kapuso ni Edgar Allan Guzman via the teleserye My Korean Jagiya.

Kahapon ginanap ang storycon ng teleserye na pinagbibidahan ni Heart Evangelista at ang ka-partner na Korean actor, Iya Villania, Valeen Montenegro, Ricky Davao, Myke Salomon, at kasama si Edgar Allan Guzman sa isang espesyal na role.

With this project, Edgar Allan has indeed come full circle.

Para siyang bumalik sa pinanggalingan niya a little more than ten years ago, sa Kapuso network.

“Salamat sa mga Kapuso sa pagkakataong makasama kayo muli. Grabe, naikot ko na ang lahat ng networks — at bawa’t isa sa kanila, natrato ako nang maayos.

“Ngayon, ang goal ko lang po ay ‘wag nang sayangin ang bagong pagkakataong ibinigay sa akin ng network. Maraming sala­mat po!” sabi ni EA.

Nanggaling si Edgar Allan sa long-running at top-rating daytime drama na Doble Kara.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.