MARK & WINWYN, SECRET MUNA ANG ENGAGEMENT

By
1113

NGAYONG araw na raw ang dating ng magkasintahang Mark Herras at Winwyn Marquez na nag-Valentine’s Day sa Japan.

Ang sweet ng dalawa na ipinost ni Mark Herras sa Instagram ang kuha nila ni Winwyn na naghahalikan.

Nasa caption nito ay salitang hapon na “Zutto Aishiteru” na ang ibig sabihin yata ay ‘I love you forever’ o ‘love you always’.

Duda ng karamihan ay nag-propose na si Mark sa dalagang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Hindi sinasagot ni Mark kapag tinatanong ­siya ng ilang taong malapit sa kanya.

Tinanong ni Bea Binene si Mark kung nag-propose na ba siya kay Wyn, “secret” lang daw ang sagot ng Kapuso actor.

Kinumusta naman namin kay Alma, hindi raw ito binanggit ni Winwyn sa kanya.

“Nagkausap lang kami sa Viber kanina, hindi naman niya sinabi sa akin, eh. Nagkakumustahan lang kami, at pauwi na nga raw siya,” sagot sa amin ni Alma nang tinanong namin kahapon.

Boto si Alma kay Mark at pati ang pamilya ng aktor ay gusto rin nila si Winwyn.
Nagustuhan nila si Winwyn dahil malaki ang nabago nito kay Mark.

Nagkaroon ng focus si Mark sa buhay, at marunong na itong humawak ng pera dahil na rin sa guidance ni Winwyn.

Wife material nga si Winwyn para kay Mark.