Mark-Winwyn, MARRIED sa Instagram?!

By

MARIING itinatanggi ng kampo ni Mark Herras ang kumalat na isyung break na sila ni WinWyn Marquez.

Nagduda ang ilang malalapit nilang kaibigan dahil biglang na-deactivate ang Instagram account ng Kapuso actor.

Iyun pala, na-hack ito kaya ­nawala lahat na mga ipinost nito.

Na-check namin ang IG account ni Winwyn, at ang huling post ­niya eh kasama si Mark na manonood daw sila ng Beauty and the Beast.

Ayon sa ilang nakausap namin, nagkaroon lang ng konting tampuhan ang dalawa, pero okay ­naman sila.

Ang sweet daw nila, at dahil sa pagka-hack ng Instagram account ni Mark, gumawa na raw silang magkasintahan ng sarili nilang IG ­account pero naka-private ito.

Hindi namin ito mapasok-pasok.

Kinakalkal daw ng isang source namin itong bago nilang IG account dahil may nagsabi raw sa kanila na nakalagay raw sa profile ng account ng dalawa na “married.”

Hindi raw nila sure kung totoo ‘yun, dahil hindi namin ­mabuksan ang naturang account.