Maris at Iñigo 2 buwan na ang relasyon

By

UMAMIN na sa ‘mutual understanding’ status nila ni Iñigo Pascual si Maris Racal.

Na-interview ko nga ang dalaga sa presscon ng MMFF 2017 movie entry­ na Haunted­ Forest­, na kung saan ay kasama niya sina Jane Oneiza, Jon Lucas at Jameson Blake, sa direksyon ni Ian Loreños.

Hindi na itinanggi ni Maris na may magandang pagtitinginan na namamagitan sa kanila ni Iñigo­ nu’ng sabihin nitong ang nasabing anak ni Piolo­ Pascual ang nagpapa-ins­pire sa kanya ngayon.

Sabi pa nga ni Maris, ang closeness nila ni Iñigo­ ang siyang nagbibigay happiness at ngiti sa kanya sa bawat paggi­sing niya sa umaga. May dalawang buwan na raw ang kanilang MU, ayon kay Maris.

Marami raw silang pagkakapareho ni Iñigo, lalo na sa music at nai-inspire siya nitong lalong paghusayin ang kanyang talent.

Inamin ni Maris na nu’ng mag-guest siya sa concert ni Iñigo at nasundan pa ng guesting­ niya sa iba pang shows nito, doon na nagsi­mula ang kanilang closeness hanggang sa magkalapit ang kanilang kalooban.

Nilinaw ni Maris na nili­gawan naman siya ni Iñigo­ at dahil nga mabait, supportive­ at masayang kasama ang anak ni Piolo, nahulog ang loob niya.

Hindi pa raw official ang kanilang relasyon ni Iñigo, pero exclusively na raw sila sa isa’t isa. Meaning, hindi na sila puwedeng makipag-date sa iba.

Alam daw ni Piolo ang romantic closeness nila ni Iñigo.

Naaaliw nga raw si Maris kay Piolo dahil lagi silang binu-bully nito ni Iñigo.

Malaking tulong kay Maris ang pag-amin niyang ito sa kanila ni Iñigo para tantanan na siya sa tsismis tungkol sa kanila ni Diego Loyzaga­.

Ipinagdiinan ni Maris na hindi talaga naging sila ni Diego­, dahil kuya talaga ang turing niya­ sa binata.


SHARE
Previous article‘Wag sanang masindikato
Next articleSakit sa taglamig