Mariel talunan sa Miss International

By

NANLUMO kami sa panonood sa live streaming ng Ms. International na ginanap sa Japan kahapon, dahil hindi man lang nakapasok sa top 15 ang pambato nating si Mariel de Leon.

Sa 15 finalists, apat lang ang mula sa Asian countries ang nakapasok. Ang Japan, Thailand, Laos at Indonesia.

Kay Ms. Korea pa binigay ang Ms. International-Asia. Sana kay Mariel na lang binigay ‘yun.

Halos iisa ang komento ng mga bading na ‘di gaanong kagandahan ang national costume na suot ni Mariel, tila hirap na hirap pa niya itong dalhin. Sana sinemplahan na lang ang costume na pinasuot sa kanya.

Hindi rin flattering sa katawan niya ang one-piece na suot niyang swimwear.

Pero kahit ano pang sabihin ng mga bashers ni Mariel, lumaban naman nang parehas ang dalaga.

Nagpapasalamat na lang ang pamilya ni Mariel sa mga suportang ibinigay ng mga nagmamahal sa dalaga.

Bahagi ng mga pahayag ni Sandy sa kanyang Instagram account na ipinost kahapon bago magsimula ang competition:

“Today just like any other day in our lives, whatever happens, we leave everything into the gracious and the loving hands of our Almighty GOD. Our deepest gratitude to everyone who supported & truly cared for our daughter Mariel.

“Those who never left her side and had a change of heart in spite of all the negative feedbacks she has been receiving from other people.

All because you chose to see only the good side of our daughter. Your love, prayers & encouragement has made her & the love of our family even stronger.

“We will forever be grateful to all her haters and bashers I only speak of blessings from our good & loving GOD for all of you, & that is truly coming from my heart.”

Maganda naman ang fareweel speech ng kababayan nating outgoing Ms. International na si Kylie Verzosa na isa rin sa umupong hurado.

Sabi niya, “Diversity should not be regarded as barriers but resources for international understanding. To the next Ms. International, be the best version of yourself and shine and show everything that is good that Ms. International stands for.”

Pagkatapos ma-announce ang top 15, hindi na namin hinintay kung sino ang nagwagi at ang puputungan ni Kylie Versoza ng korona.