Abante Tonite Interactive

Mariel, malakas ang laban sa PEOPLE’S CHOICE

Mariel de Leon
10

BUKAS na ang Binibining Pilipinas, at ramdam na namin sa buong pamilya ni Mariel de Leon ang suporta sa laban niyang ito.

Ngayon pa lang ay usap-usap­an nang repeaters daw ang makakakuha ng title at isa rito ang Candidate #15 na si Mariel.

Araw-araw sa Facebook account ng mag-asa­wang Christop­her de Leon at Sandy Andolong, humihingi sila ng suporta para kay Mariel.

Immediate-Hiring-Ads

Detalyado ang pagbibigay ng instruction ni Sandy kung paano bumoto para sa kanyang anak.
Touching ang mensahe ni Sandy sa anak na ipinost sa FB.

Saad ng aktres, “Keep your dreams alive and always in tune with God’s will and guidance.

“To achieve anything requires faith in God, confidence in yourself, hard work, determination, and dedication.

“All this you have in you and the rest of the Bb. Pilipinas candidates, and I truly admire and res­pect all of you for this. Remember all things are possible for those who believe.

“You will always be our beauty queen, our princess. You are deeply loved by your family and friends and loyal followers.”

Si Boyet ay malaki ang kumpiyansang makakuha ng title si Mariel. Ang bilis niyang pumayag nang magpaalam si Mariel na gusto nitong sumali uli.

Medyo naalangan pa si Sandy, pero nagbi­gay na siya ng buong suporta dahil nakikita niya sa kanyang anak na pursigido itong sumali at manalo.

Pasok si Mariel bilang isa sa 10 finalists ng BEST IN NATIONAL COSTUME, at malakas din siya sa PEOPLE’S CHOICE AWARD.

Dito todo ang kampan­ya nila para kay Mariel dahil pasok agad sa top 15 ang mapili sa People’s Choice Award.

***

Rich Asuncion at Benj Mudie
Rich Asuncion at Benj Mudie

Dedesisyunan na ng kai-engage lang na magkasintahang Rich Asuncion at Benj Mudie kung kailan sila magpapa­kasal.

Kung si Rich ang masusunod, ang gusto sana niya ay beach wedding sa kinalakihan niyang Bohol.

Pero pag-usapan pa nila ito ni Benj.

Ang isa pa pala nilang plano ay magkaroon muna ng civil wedding sa taong ito, at sa susunod na taon na ang church wedding.

Baka sa Japan sa October ang civil wedding dahil may plano silang mag-Japan sa buwang iyun.

Itinanggi ng ilang taong malapit kay Rich ang narinig naming nagli-live in na sila.

Pero sabi ng ilan, walang masama kung nagli-live in na sila dahil noon pa man ay nakikita na nilang sa kasalan na talaga ang ending ng kanilang relas­yon.

Kung si Rich ang tatanungin, wala na siyang ibang haha­napin pa kay Benj, kaya nakatono na sa kanya na ito na ang lalaking pakakasalan niya.

Ang isa sa masa­yang-masaya para sa dalawa ay si Yasmien Kurdi.

Si Yasmien ang nag-ayos ng blind date ng dalawa dalawang taon na’ng nakaraan.

Inimbita ko noon si Yasmien kung type niyang pumunta sa celebrity premiere ng The Avengers sa ­Shan­gri-­La ­Cinema, at naisip niyang doon niya pagtagpuin sina Rich at Ben.

First meeting iyun ng dalawa at in-enjoy lang nila ang movie.

Pagkatapos nu’n ay natu­loy na sa ligawan hanggang sa naging sila.