Marc Abaya, bagong Johnny Delgado

By

NASE-SENTI na nang slight si Janine Gutierrez dahil malapit nang magtapos ang afternoon soap niyang Legally Blind.

Hanggang June na lang ang LB dahil mukhang ito yata ang papalitan ng Impostora ni Kris Bernal.

Sa isang group pic nila recently after ng Legally Blind mall show nila sa SM City Bacoor, ang sey ni Janine ay, “No other group I’d wanna spend 6:00 AM to 6:00 AM with.”

Kasama ni Janine sa pic na ‘yon ang co-stars niya na sina Mikael Daez, Lauren Young, Marc Abaya at Rodjun Cruz.

Sobrang naging close na ang cast at masaya sila sa set kahit kadalasan ay pamorningan ang kanilang taping.

Minsan sa sobrang pagod at puyat ay hirap na raw gumana ang utak ni Atty. Grace, ang pala­bang abogada na ginagampanan ni Janine.

Si Direk Ricky Davao ay puring-puri ang kanyang mga artista, na bukod sa mababait, very professional at magagaling makisama ay mahuhusay pang umarte.

Hanga si Direk Ricky kay Janine na bukod sa ang ganda-ganda na ay magaling pang aktres.

Sobrang bilib din siya sa kontrabidang si Marc Abaya, na ang tingin niya ay parang young Johnny Delgado.

Pinuri rin ng prem­yadong actor-director ang bagets actress na si Teri Malvar na gumaganap bilang younger sister nina Janine at Lauren.

Kahit sa mga eksenang nasa background lang ito ay lutang daw ang galing ni Teri.

Nasaksak at namatay na ang karakter ni Teri na si Nina.

Ang bulag na rape victim na si Grace ay patu­loy pa ring lumalaban para sa katarungan.

Madalas naming makita sa Instagram Stories ni Janine na nagbibiruan at nagkakasiyahan sila sa set, pero malamang sa last taping day ng Legally Blind ay magkaiyakan sila dahil naging sobrang malapit at bonded na ang grupo nila.