Malolos anti-drug operation 3-todas

By

Humandusay ang tatlong lalaking sinasabing sangkot sa ilegal na droga matapos umanong manlaban sa operatiba ng Malolos City police sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Barangay Sto. Cristo, Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Allan Cruz, Carlo Calano at Fernando Cervantes, pawang residente sa siyudad na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanilang katawan matapos kasahan ang awtoridad.

Narekober ng Bulacan Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) team sa mga napatay ang dalawang kalibre 38 revolver, isang sumpak, ilang pakete ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana at sinasabing nasa drug watch list ito ng awtoridad.

Lumilitaw na ipinasailalim ng Malolos City police sa buy-bust operation ang mga suspek ngunit sinasa­bing nanlaban kaya nagkaroon ng maikling palitan ng putok hanggang sa tuluyang bumulagta ang tatlong itinuturong suspek sa ilegal na droga.