MAJA, PINAPAINIT LALO ANG SUMMER

By
1719

OPISYAL na winelkam ni Maja Salvador ang summer season sa kanyang wapak na ­pa-bikini sa beach.

Kahapon ay umani ng maraming likes ang sexy bikini pic ni ­Maja na nagpapakasarap sa dagat.

Hindi niya nilagay kung saan ‘yung white sand beach na ‘yon, ­pero maraming humula na sa Club Paradise ito sa Coron, Palawan.

Sey ng netizens, lalong PINAPAINIT ni Maja ang panahon dahil sa kanyang malakas maka-BODY GOALS na kaseksihan.

Napansin din ng fans ang pagiging flawless ni Maja, na glowing ang skin sa sikat ng araw.

At hindi man pam-beauty queen ang height ng petite na dalaga ay bilib sila sa hubog at ganda ng katawan nito na sakto sa taas niya.

“Happy Mind. ­Happy Life,” ang caption ni Maj sa kanyang bikini shot na may pa-hashtag na #MSescapade.

Sobrang linaw ng ­tubig sa beach na kitang-kita ang mga pawikan sa ilalim ng dagat.

May pinost ang Wildflower star na shot ng shark underwater.

Meron din siyang kuha na nag-i-scuba ­diving sila at naki-group pic sila with a big sea ­turtle sa ilalim ng dagat.

Mga ­kaibigan ­niyang girls ang ­kasama ni ­Maja sa kanyang beach ­escapade.