Maja, nagpainit sa summer station ID

By

HALOS 100 Kapamil­ya stars ang nakisalo sa ningning ng mga ordinaryong Pilipinong nagdadala ng inspirasyon araw-araw sa ABS-CBN Summer Station ID 2017 na inilunsad noong Lunes sa TV Patrol.

May temang IKAW ANG SUNSHINE KO, ISANG PAMILYA TAYO ang video.

Nag-trending to­pic ang #IkawAngSunshineKo sa buong mundo sa mga post ng Pilipino kaugnay ng mga artista at nakaka-inspire na kuwento.

Kasama sa Summer Station ID ang Kapa­milya love teams na masayang ginagawa ang mga paboritong summer activities ng pamilyang Pilipino.

Andiyan ang Kath­Niel, JaDine, LizQuen, ElNella at McLisse.

Agaw-eksena ang cast ng Wildflower sa pangunguna ni Maja Salvador na nakakapag-init ang dating!

Sizzling hot!

Si Ritz Azul, may sa­riling shining moment, huh?!

Makikita sa Station ID kung paano maaaring makapagpasaya sa simpleng paraan tulad na lamang ng mga bangkera ng Lake Pandin na nakasalamuha ni Judy Ann Santos, at ang pedicab driver na sinurpresa ni Vice Ganda.

Nakikanta sina Lea Salonga, Bamboo, Sharon Cuneta at Sarah Geronimo kay Sr. Gloria Agagon, FMA na kahit may edad na ay maru­nong pa ring mag-rock and roll.

Nakilala ng tamba­lang TonDeng (Ian Veneracion & Bea Alonzo ng A Love to Last) si Mang Manny de la Rosa na nagpapasaya sa mga pasahero ng tren gamit ang kanyang bamboo flute.

Nakakuwentuhan nina John Lloyd Cruz, Coco Martin at Piolo Pascual ang ilang Pinoy na patuloy na nagpapakita ng positibong pagharap sa buhay sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain.

Sabi ng isang volunteer sa mosaic mural ng Baclaran kay John Lloyd, pangarap nyang makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng sining.

Piolo Visually Impaired
PIOLO at mga visually
impaired na kabataan

Ang estudyanteng si Dara Mae Tuazon, pinabilib si Coco Martin at ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano sa kanyang pagturo sa mga bata sa kalye sa libre niyang oras.

Si Piolo, hinimok ang mga batang may kapansanan sa paningin na huwag bumitaw sa kanilang pangarap.

Inawit ito ng BoyBandPH, Pinoy Big Brother Big 4 (Maymay Entrata, Kisses Delavin, Yong Muhajil & Edward Barber), Tawag ng Tanghalan Top 3 (Noven Belleza, Sam Mangubat & Froilan Canlas) at teen stars Sue Ramirez, Kristel Fulgar, Sharlene San Pedro, Alexa Ilacad, Kira Balinger, at Ylona Garcia.

***

Balik-tambalan sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa primetime para sa romantic-comedy series na I Heart Davao ng Kapuso Network.

Pinagsamang live action at animation naman ang situational comedy na Alex and Amie nina Mikael Daez at Andrea Torres.

Nakakaintriga, di ba?!

Kaabang din ang My Korean Jagiya ni Heart Evangelista, The Good Teacher ni Marian Rivera, at Alyas Robin Hood Book 2 nina Dingdong Dantes at Andrea Torres.

***

Sina Mark Herras & Winwyn Marquez at Paolo Contis & LJ Reyes ang maghaharap sa u­nang episode ng Follow Your Heart sa Linggo (Abril 23) nang hapon sa GMA 7.

Sa San Pablo City (Laguna) ito ginanap, at kinarir nila ang paggawa at paghahatak ng balsa, pangingisda at iba pang mabibigat na gawain sa lawa.

Exciting!

***

Mukhang kasado na ang pag-build up sa Mackoy-Elisse (MacLisse) tandem.

Bukod sa inihahandang teleserye ay may ini­hahandang pelikula para sa kanila.

***

Kay Jodi Sta. Maria naman ipapares si Xian Lim sa Dear Other Self.

Matatandaang after Kim Chiu, sinubukang ipares si Xian kay Bea Alonzo sa A Love To Last pero walang nangyari at lalo pang na-confuse ang mga tao sa love interest ni Bea, at sa akting na akting na Batangueño acting.

Sana, sa hosting na lang mag-focus si Xian since malapit na ang Binibining Pilipinas.

Bagay kasi siya roon!