Maitim ba ang iyong singit?

By

Trip mong mag-beach at magbilad sa init na naka-swimsuit pero shy ka dahil sa maitim mong singit?

Puwes, sa maniwala kayo’t hindi, alam niyo bang ang kalamansi ay mabisa ring pampaputi ng singit?

Yes, hindi lang ito pantimpla sa pansit o sawsawan kasama ng toyo at sili kundi mabisa ring pang-bleach.

Mayaman sa vitamin C ang kalamansi kaya mabisa itong panlaban sa mga free radicals at malaking tulong para matanggal ang mga patay na selula ng balat.

Ikuskos lang ang hiniwang kalamansi sa balat sa loob ng dala­wang minuto. Hayaan itong mababad sa loob ng 10-15 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.

Warning: Huwag magbibilad sa araw pag isinagawa ang kalamansi treatment. Huwag ding magpapahid nito kung may sugat, galos o nagpa-wax. Maiging komonsulta rin sa dermatologist.