Maine, PAK na PAK kahit ‘MAITIM ANG PUWET’

By

MAY pa-bikini ulit si Maine Mendoza nu’ng isang araw sa Instagram.

Nag-Punta Fuego ang Team Barangay nu’ng Linggo, pero ang nakita lang namin sa group pic nila sa beach ay sina Maine at Paolo Bal­lesteros kasama ang production staff at crew ng Juan For All, All For Juan.

Wala sina Alden Richards at Wally Bayola na may Sunday PINASaya. Si Jose Manalo ay hindi pa bumabalik mula sa isang buwang bakasyon nito.

Natuwa na naman si Meng dahil paborito niyang lugar ang dagat, kaya “Comfort zone,” ang caption niya sa pic niya sa may dalampasigan na naka-rose red bikini siya.

Mas flawless si Menggay at mas sexy sa kanyang bikini pics sa Maldives kumpara sa bago niyang two-piece shot sa Batangas.

Halatang walang filter at walang edit ‘yung picture kaya kitang-kita ang tunay na kulay at kutis ng balat ni Maine.

Ang daming pumuri at naseksihan sa ka-loveteam ni Alden, pero meron ding ilang nag-nega sa IG post ni Meng.

May nagsabing flat ang boobs ni Maine, pero pak na pak ang confidence nitong magpakita ng katawan.

May nag-comment din na hindi kutis-artista ang balat ni Menggay at kesyo maitim ang puwet nito.

Siyempre, ang mga nagni-nega ay kinuku­yog ng Maine fans na todo sa pagtatanggol sa idolo nila.

Nu’ng Sabado ay nag-celebrate ng ikalawang taon nila ang AlDub bilang mag-loveteam.

May mahabang prod number sina Alden at Maine sa Eat Bulaga, kaya ang sabi ng Dabarkads ay puwede nang mag-concert ang dalawa.

Sey ng AlDub, movie muna ulit ang gagawin nila.

May kiyemeng tampururot moment si Baeby Baste sa phenomenal loveteam dahil ang sabi ni Bash ay MAG-UYAB (Bisaya ng magsyota) na ang dalawa, na tinawanan lang nina Alden at Maine.