Magtitiyuhin nagrambulan

By ,

Bugbog-sarado ang isang lalaki matapos pagtulungan ng kanyang dalawang magka­patid na pamangkin nang maghamon ng suntukan ang una, kamakala­wa ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni Police Superintendent Alex Daniel­, station commander ng Manila Police District-Police Station 7, ang magkapatid na sina Patrick Mendoza, 23, merchandiser ; Michael Mendoza, 28, delivery boy, kapw­a ng 3210 Molave Ext., Bgy. 195, Zone 17, Tondo, Maynila.

Habang magsasamp­a rin ng kaso ang tiyuhin laban sa magkapatid na si Agapito Canonigo, 56, tricycle driver dahil pinagtulungan umano ito ng magkapatid.

Nabatid na alas-11:45 ng umaga nang magha­mon ng suntukan ang tiyuhin ni Patrick na si Agapito sa huli, sa kanto ng Molave at Zamora Sts., sa pagitan ng Brgy. 195 at Brgy. 194, nang ­biglang sumulpot ang kapatid ni Patrick na si Michael, at biglang sinuntok ang tiyuhin, dahilan para bumagsak sa sahig si Agapito.

Sinamantala ng magkapatid ang pagkakataon para pagtulungang pagsusuntukin ang tiyuhin.

Matagal na umanong may alitan ang magka­patid at Canonigo, kaya nang magpang-abot ay parehong sumabog ang galit ng isa’t isa.