Lyca, mukha nang YAYAMANIN

By
3430

BINATI namin si Lyca Gairanod na mukha na siyang yayamanin nu’ng makita namin si bagets sa presscon ng pelikulang Tatlong Bibe.

In fairness kasi ay maayos na ang itsura ng 12-anyos na si ­Lyca, na dating nangangalakal sa Cavite bago sinu­werteng manalo sa The Voice Kids.

Pati ang kilos niya ay parang dalagita na, ­hindi gaya dati na parang batang naglalaro lang.

Mayaman na nga ba siya?

“Tama lang po,” sagot sa amin ni bagets, na kumbaga sa dating ­ugly duckling ay unti-unti nang nagiging swan.

Ang sabi ni Lyca, marami na siyang panga­rap na nakuha niya, pero gusto niya pang maging isang sikat na singer.

Meron na siyang sari­ling bahay at nakapundar na rin siya ng sasakyan.

Ang ka-batch niyang si JK Labajo ay nakailang teleserye na, pero siya ay MMK lang. Ang Your Face Sounds Familiar Kids ay contest at hindi aktingan.

Gusto ring magdrama ni Lyca, pero hindi siya naiinggit kay JK dahil kung anong ibinibi­gay sa kanila ng ­Kapamilya network ay tinatanggap lang nila.

***

In fairness ay natuwa ang showbiz press sa sagot ng tatlong bagets na bida sa Tatlong Bibe kung anong feeling nila na hindi Star Cinema ang nagbigay sa kanila ng break nila sa pelikula kundi ang bagong film company na Regis Films & Entertainment.

Dayalog ng 9-­anyos na si Marco Masa, “Hindi naman po ­kami malungkot o masaya. Hindi naman po namin sinasabi na, ‘Sayang, dapat sa Star Cinema!’

“Kasi po, ang gusto lang po namin eh maka­gawa ng palabas na makakaantig po sa mga tao gaya nitong Tatlong Bibe”.

Ang hirit ni Lyca, “Masaya pa rin po kahit po hindi sa Star Cinema. Happy pa rin po ako dahil ipapalabas na po siya at matutuwa po ‘yung mga tao at magiging masaya sa movie namin.”

Sambit naman ng 8-anyos na cutie pie na si ­Raikko Mateo, “Para sa akin po, ­wala naman pong kaibahan ang movie na ‘to sa Star Cinema.”

Ayon sa direktor ng pelikula na si Direk Joven Tan, supportive ang mga taga-Star Cinema sa mga project niya. Kaya rin pinapa­hiram sa kanya ang mga artista ng ABS-CBN.

Ang ­Na­­­tha­niel star na si ­Marco ay wala pang bagong teleserye, pero nasa Goin’ Bulilit si bagets.

Si Raikko ay kasama sa Piolo ­Pascual movie sa Regal na Once in a Lifetime. Kasama siyang nag-location shoot sa New Zealand.

Sa March 1 ang showing nationwide ng wholesome drama mo­vie na Tat­long Bibe.