‘Lumuluha’ ni Sharon, magiging crowd favorite

Angel vs Angeli, kabugan sa balanghai

By

IN full throttle na ang 13th Cinemalaya.

This indie film festival has become the most prestigious in the country, most talked about at ang mga nagiging winners rito at box-office wonders, kadalasan waging-waging rin sa international film festival cicuits.

Ang bongga pa sa pamunuan ng Cinemalaya, they are very welcoming sa sprouting of other films festivals.

Wala silang problema sa “the others”. For them, the more Filipino festivals, the merrier for the movie going public in particulat at sa showbiz landscape in general.

Ang mga pelikulang kalahok ngayong taon sa full length category na centers of the Cinemalaya universe ay Perry Escaño’s Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa, Mes de Guzman’s Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, Joseph Israel Laban’s Baconaua, Zig Madamba Dulay’s Bagahe, Thop Nazareno’s Kiko Boksingero, Sonny Calvento’s Nabubulok, Neirssa Picadizo’s Requited, Alberto Monteras II’s Respeto at Lionel Arondaing’s Sa Gabing Nanahimik ang mga Kuliglig.

Alfred, nagmumura ang star quality

First impressions, sa Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa, kitang-kita na all mine to give agad sa kanilang dramatic performances sina Miggs Cuaderno at Marc Justin Alvarez.

Kahit no show na naman sa press payanig si Alfred Vargas, nagmumura pa rin ang star quality nito at the camera still loves him.

Kaygandang lalaki niya pa rin at dama mo rin agad ang kanyang emotional commitment to give justice to his role.

Sabi ni Direk Perry Escaño, “Conscious si Alfred sa pag-arte niya, kasi, matagal bago siya nagka-movie since naging congressman siya.

“Mainam lagi ang mga suggestions niya. I take it to heart, masaya ako sa outcome ng movie.

“I hope marami ang manood at maantig lalo na’t very timely ang pelikula namin. Lahat ng members of the cast, gave more than one hundred sa pelikula.

“Hindi siya madaling endeavor. I am glad I took the challenge and hopefully, marami ang manood at magkagusto.”

***

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Parang drama-comedy ang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Sa eksena kasi, nag-iinuman sina Yaya Moi at si Mega Shawie. ‘Kaaliw na may mga Sharonians na sumugod sa CCP para sumuporta.

Walang duda na magiging crowd favorite dito. Kasama ni Mega si Richard Quan sa pelikula. Love pair sila.

***

Ang Baconaua, parang homage to the sea at kung anumang culural tradition.

Gorgeously photographed ang mga eksena sa dagat, sa ibabaw man o sa ilalim.

Paano mo mahihindian ito, eh kasali ang indie great na si Therese Malvar?

***

Sa Bagahe, ‘kalokah si Angeli Bayani.

Trailer pa lang. alam mo na agad na palaban ito sa best actress at parang ayaw magpakabog.

Parang dapat matakot ang lahat ng mga pangunahing aktres sa kanya.

‘Yung eksenang may mga namumuong luha sa mga mata niya na parang tulirong-tuliro at hibang na hibang na siya, sampler pa lang ‘yun.

***

Ang Kiko Boksingero, parang coming of age na father and son drama.

Kwento ni Yul Servo, “Maganda ‘yung kwento, kasi, bihira tayong nakakapanood ng kwento tungkol sa tatay at anak na hindi niya pa kakilala.

“Yung proseso, kung paano nagkalapit ang mag-ama, naku, tiyak marami ang makaka-relate. May hahaplos talaga sa puso ng mga manood. Maaantig sila.

“At ‘yung batang kasama ko, si Noel Comia, ang husay. Natural na natural.”

***

Ang Nabubulok, parang thriller.

Panalo ‘yung shots na madidilim. Alam mong pinag-aralan ito kaya heigthened agad ang emotions mo as a viewer.

Isama mo pa sina Gina Alajar at JC Santos sa pelikula, may chance na triple ang emotional wallop nito.

***

Ang Requited, parang biker’s tales at kung anu-anong personal conflicts at truths ng mga karakter nina Jake Cuenca at Anna Luna ang malalaman natin as their ride on their backs and discover the high ways and byways of their individual and collective lives.

Abra, bawal ang negativity

Abra

Ang pagkaguapo-guapo at ang binatang hindi yata tumatanda, si Abra ang bida sa Respeto.

May raps, may elements of danger and drugs.

Ano ba ang sikreto ng kanyang youthful look?

Sagot ni Abra, “Ano positive thoughts lang, bawal ang negativity. Tapos, full expression of one self through my art, which is rap.

“Masaya at mahirap na experience itong Respeto for me. Ngayon alam ko na, mahirap pala talagang maging artista.

“May mga eksena kasi rito na first time kung ginawa. May drama kaya sana, sana, tama kong nagawa.”

Twenty eight na pala si Abra pero totoy na totoy pa rin ang itsura nito. Parang kaysarap-sarap niyang polbohan, huh?!

***

Angel Aquino
Angel Aquino

Parang intense drama rin ang Sa Gabing Nanahimik Ang Mga Kuliglig.

Sa trailer pa rin lang nito, it screams AWARDS all over it, lalo na sa acting categories.

Indies Bravos ang mga bida. May Angel Aquino na may pasan ko ang krus moment.

May Jake Macapagal pa at Jess Mendoza with matching faith undertones.

Aasa na ba ako na it will be an Angel Aquino versus Angeli Bayani para sa pinakamahusay na aktres balanghai?