LP kabado sa suspensyon ng barangay at SK election

By

Nangangamba ang mga senador na kasapi ng Liberal Party (LP) na ang kanselasyon ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections upang makapagtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng OIC sa mga barangay ay maaaring preparasyon sa deklaras­yon ng nationwide ­Martial Law.

Ayon kay Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan, presidente ng LP, unti-unting tinatanggal ng administrasyong Duterte ang karapatan ng taumbayan­ matapos na bigyan ng Kamara ng P1,000 budget ang Commission on Human Rights na posibleng mauwi sa pag-abo­lish ng ahensiya; ang pag-extend ng Martial Law sa Mindanao; ang pagkalat ng fake news; ang pagli­bing ng isang diktador sa Libingan ng mga Bayani at ang hindi sinosolus­yunan na patayan sa war on drugs.

“Lahat ‘yan para buburahin ang mga ipinanalo na nating karapatan: na mabuhay nang may dignidad, sa katotohanan, na pumili ng mga pinuno, na maipagtanggol laban sa mga abusado. Ano ang tawag sa mga planon­g ito? Diktadurya,” ani Pangilinan.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sa pagpapaliban ng barangay at SK elections, ina­alis dito ang karapatan ng taumbayan na pumili ng mamumuno sa kanilang barangay.


SHARE
Previous articlePSC-PSI dumayo sa Quirino
Next articleUNAHAN SA PAGBANGON