Lovers dinaluhong ng saksak

By

Halinhinang pinagsasaksak ang isang maglive-in partner ng kanilang kapitbahay sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Under observation sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang mga biktimang sina Adrian Banate, 39, wel­der at Jennifer Santiago, 38, kapwa ng No. 68 J.B Santos St. Brgy., Tangos.

Mabilis namang tumakas at pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Alen Santos, nakatira din sa naturang lugar .

Ayon kay Navotas City police chief Sr. Supt. Allen Ocden, alas-8:20 ng gabi isinasara ng biktimang si Santiago ang pinto ng kanilang bahay nang sapilitang pumasok ang suspek saka bumunot ng patalim at inunda­yan ng saksak sa tiyan at kanang braso si Santiago.

Pagkatapos ay ­umakyat ang suspek sa itaas ng bahay ng biktima kung saan natutulog na umano ang biktimang si Banate subalit pinagsasaksak din ito.