Lorin at Venice, pursigidong mag-artista

By

Bianca King
Bianca King

MAGKAKASAMA sa cast ng Pusong Ligaw ng ABS-CBN sina Bianca King, Raymond Bagatsing at Enzo Pineda.

Pare-pareho silang identified noon sa GMA 7, kaya sa presscon ng bagong afternoon series ng Kapamilya network ay nausisa sila kung ano ang masasabi nila na magkakasama na sila sa show na ‘yon.

Si Enzo, masaya na ang Pusong Ligaw ay pangalawang proyekto na niya sa Dos matapos ang Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre.

Masaya si Enzo na nagkaroon ng another chance ang kanyang showbiz career at may bago siyang series sa Dos.

Si Bianca, parang napaka-surreal ‘yung pakiramdam niya nang una siyang tumapak sa ABS-CBN.

Masaya siya na napasama sa cast ng Pusong Ligaw.

Si Raymond, matagal nang walang regular TV show sa Kapuso Network.

Ayon sa manager niyang si Lolit Solis, after gawin ni Raymond ang Baker King sa TV5, dalawang beses na lang nakapag-guest sa Siyete ang aktor at hindi na ito nabigyan ng regular TV series.

“Bago siya nag-TV5, ilang series din kasi ang ginawa ni Raymond sa GMA 7,” sey ni Manay Lolit.

Noong nagbalik-‘Pinas si Raymond, ang ABS-CBN ang nagbigay­ uli sa kanya ng break.

Very thankful si Raymond na nakabalik siya sa Kapamilya network.

***

Venice, Ruffa at Lorin
Venice, Ruffa at Lorin

Magkasama kami ni Annabelle Rama sa isang coffee shop sa isang hotel sa The Fort noong Miyerkules nang dumating ang mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice Bektas.

Biniro namin si Lorin na pinag-uusapan siya sa kanyang Instagram post kung saan dalagitang-dalagita na ang da­ting niya.

Sexy na kasi ang da­ting ni Lorin habang nasa beach siya sa Bali, Indonesia.

“Siyempre, sexy ang apo ko!” singit ni Bisaya.

Panay ang kulit nina Lorin at Venice sa kanilang lola na gusto na nilang mag-artista.

Pareho nilang gustong lumabas sa pelikula, huh!

Sabi ng lola nila, kailangan pa nilang mag-acting workshop.

Si Lorin ay agree kaagad sa sinabi ni Bisaya, pero si Venice, sinabing marunong na siyang umarte at puwede nang mag-artista.

“Hindi pa! Kaila­ngan mo pang mag-acting workshop. Ayokong mapintasan ka kung basta ka mag-aartista,” sey ni Bisaya sa bunsong anak ni Ruffa.

Teka! Pinipilit na nina Lorin at Venice ang kanilang lola na ihanap na sila ng movie project, papayag kaya ang nanay nila na mag-artista sila?

Knowing Ruffa, hindi siya basta-basta papayag lalo na kung masasaga­saan ang studies ng kanyang mga anak, ‘noh?!

Working very hard si Ruffa dahil gusto niya na best education ang maibigay kina Lorin at Venice.

Kahapon, panay text namin kay Ruffa para tanungin kung papayag ba siyang mag-artista na sina Lorin at Venice, pero dedma lang siya.


  • ed jo

    Sus walang pagmamanahan na marunong umarte. Mula sa lolo at lola sa mom, uncles and aunt walang marunong umarte. Si Lorin mukhang maarte lang pareho ni ruffa pero di marunong umarte. Si Venice OMG tomboy na tomboy. Puede Siguro singer si Venice kung marunong kumanta. parang noon Si Aiza seguera, now is Charice, future Si Venice bektas. Mga tomboy na mahusay na singers.

  • odette

    dapat hindi yan payagang mag artista..hindi naman sisikat tulad ng mother at uncle nya

    • ed jo

      When the time comes I-blind item kaya ni Tabalalin na tomboy Si Venice?