Legal separation at nullity ng marriage

By

Hi Atty. Claire,

Nag-email ako dahil gusto ko lang po ma­laman kung ano po ba ang pagkakaiba ng legal separation at nullity ng marriage. Sa sitwasyon ko po ngayon 9 years na ka­ming hiwalay ng ex-wife ko at may kinakasama na po akong bago at may dala­wa kaming anak at isa sa unang asawa. May arragement na kami ng ex-wife ko tungkol sa financial assistance ng anak namin.

Nag-aalala ‘yung ka-live in ko na baka manggulo ‘yung una kaya gusto niya ayusin ang papel namin, gusto ko sana legal separation muna dahil wala pa ko budget sa annulment.

Ano po ba dapat kong gawin, kung legal sepa­ration ba puwede na ako bumili ng property­ ng walang habol ‘yung una, o kailangan ko magfile ng annulment?

Thanks,

Rummel

Rummel,

Ang pagkakaiba ng legal separation sa annulment o ‘nullity of marriage’ ay makikita  sa karapatan mong mag-asawa muli. Sa legal separation kasi ay ipag-uutos lamang ng korte na maghiwalay kayo ng tirahan at maghiwalay ng ari-arian, kung kasama sa hiling mo na magkaroon na rin ng separation ng properties pero hindi­ nagbibigay ito sa iyo ng lisensya at karapatan na nagkaroon ng ibang karelasyon at mas lalong hindi ka mabibigyan ng karapatang mag-asawa muli. Ito ang mga grounds mo para makapagsampa ng Legal Separation sa loob ng 5 taon matapos makagano ng mga sumusunod:

(a) Repeated physica­l violence or grossly abusive conduct directed against the petitioner, a common child, or a child of the petitioner;

(b) Physical violence or moral pressure to compel the petitioner to change religious or political affiliation at iba pa;

Ang nullity of marriage naman ay mabibigyan ka ng karapatang­ makapag-asawang muli kapag nagkaroon ng desisyon ang korte na napawalang bisa na ang kasal ninyo. Hindi ka na makakasuhan ng concubinage ng dati mong asawa kung sakali mang ikaw ay may bago nang kasama sa buhay. Dapat mo lamang patunayan ang ilan sa mga grounds:

1) when a marriage is contracted by any party below eighteen (18) years of age even with the consent of parents or guardians;

(2) when a marriage is solemnized by any person not legally authorized to perform marriages, unless such marriage was contracted with either or both parties believing in good faith that the solemnizing officer had the legal authority to do so;

Ilan lamang ito sa mga grounds upang mapawalang bisa ang kasal dahil mayroon pang  relasyon na masasabing against public policy.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com