LEE AT POKWANG, NAPAIYAK SA ULTRASOUND

By

Nag-post kahapon si Pokwang ng picture kanyang ultrasound kung saan ay kita na ang kanyang ipinagbubuntis.

Caption ni Pokwang sa picture kung saan kasama niya ang lovey-dovey niyang si Lee O’Brian at ang kanyang doktora, “Hello baby O’ Brian hahahhaha first picture nya ♥ thank you sa lahat ng mga dasal nyo para matupad ito, at sa patuloy nyo pang dasal para ligtas si baby o’brian at tuluyan na sya mangulit sa february dito sa earth ♥ salamat ng marami….

“At dahil buntis ako bawal ka muna sa bahay @hot_chokoleit at iwas din ako sa sarili ko haahahaa.”

Ka-text ko rin kahapon si Mamang (paboritong tawag sa comedienne) at sinabing noong Biyernes pala siya nagpa-ultrasound, pero kahapon lang niya pinost ‘yung picture.

Pagkakita raw nila ni Lee sa ultrasound picture ay naiyak sila.

“Pareho kaming naiyak. Naiyak kami sa sob­rang tuwa, Mars!” text ni Pokwang.

“Last Friday pa ‘yung picture na ‘yon, pero ngayon ko lang pinost.”

Sabi pa ni Pokwang, 8 weeks na ang ipinagbubuntis niya at dahil doon, kailangan na rin muna niyang tumigil sa FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ay kasama siya sa Book Two.

“Wala namang problema sa mga taga-production, nagawan na ng paraan bilang alam na po nila na need ko talaga mag-bed rest!” text pa ni Pokwang.

Dahil medyo maselang magbuntis si Pokwang, kailangang mag-bed rest siya at wala na munang tapings.

Inusisa namin si Pokwang kung ang next ba sa pagbubuntis niya ay ang wedding na.

Ang tanging na-text lang niya ay, “Sana…”

***

MAY local celebrities na sumasakay ng public car transportation kapag gumigimik para hindi nila problemahin ang pag-uwi kahit nakainom sila.

Pati si Ogie Alcasid, ilang beses na ring nakapag-try ng ganito.

Pero first time naming nakarinig na may isang aktor na nagda-drive na ng public car transportation para magkaroon ng pagkakakitaan dahil hindi regular ang kanyang mga raket sa showbiz.

Noong kabataan ni aktor ay sumikat siya dahil galing siya sa isang showbiz clan.

Nagpabaya si aktor sa kanyang career hanggang naisipan niyang mag-abroad.

Dahil guwapo si aktor, ilan din ang naging asawa niya sa ibang bansa. Marami siyang naging anak, hanggang naisipan niyang bumalik ng ‘Pinas at nag-artista uli.

Maraming naging proyekto si aktor, pero hindi yata siya mahilig mag-ipon.

Kung anu-anong business ang pinapasok niya kapag kinakapos siya sa pera at walang mga raket sa showbiz na dumarating.

Last year, medyo nakaluwag-luwag si aktor dahil napasama siya sa isang action series na hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa isang top TV network.

Pero ‘yung character doon ni aktor, wala na, kaya jobless na naman siya.

Eh, nauuso ‘yung nagda-drive ng public car transportation, kaya naisipan ni aktor na sa bakanteng oras niya, ganoon na lang ang gawin niya.

May isa siyang kaibigan na may bagong biling kotse na ipinasok sa ganoong klase ng business, kaya nagprisinta si aktor na siya na lang ang magda-drive sa free time niya (na kadalasan ay free siya dahil wala siyang raket ngayon sa showbiz).

Sabi sa amin ni aktor, wala siyang dapat ikahiya sa pinasok niyang trabaho dahil kumikita siya ng malaki.

May iba raw na sumasakay sa kanya na nakikilala siya, kaya may nagbibigay rin ng tip, huh!

May anak si aktor na nagsisimula na ring mag-artista.

Pinayuhan niya ang anak na huwag maging waldas at mag-ipun-ipon dahil hindi forever ang mga biyayang dumara­ting sa mga artista, lalo na sa mga nagpapabaya sa kanilang propesyon!

Sino si aktor? E.S. ang initials niya at hindi siya katulad ng mga kamag-anak niya sa showbiz na ang dala-dalang apelyido ay ‘yung apelyidong kilala ang kanilang angkan!


Quantcast