LEA, NAPIKON SA FANS NA NAGPAIYAK SA ANAK

By

WALEY: Napanood namin ang musicale na Fun Home sa­ ­closing night nito sa RCBC Theater.

Tampok dito ­sina Lea Salonga, Cris ­Villonco, Mikkie Bradshaw-Volante (na ­asawa ni Nyoy).

Tungkol ito sa pa­milyang nagkawatak-watak dahil sa mga personal na mga desisyon na taliwas sa mga nakasanayan sa lipunan.

Nanay si Lea ng character ni Cris Villonco na isang lesbian na narrator ng buong kuwento.

Si Mikkie ang adoslecent lesbian.

Magagaling lahat ng cast members kahit na ‘yung gumanap na ­tatay ni Cris at asawa ni Lea na isang bading pala sa kuwento at nagpakamatay sa huli na si Eric Kuze (na nakasama na ni Lea sa Broadway bilang Marius sa Les Miserables at naging Chris din sa Miss Saigon).

Si Laurence Mossman ang gumanap ng multiple roles pati na ng lalaking natipuhan ng tatay ni Cris, at siya rin ang napipisil na gumanap ng lead role sa susunod na Atlantis Production na Kinky Boots sa June 30-July 23.

OK na sana lahat at nag-cast party pa pagkatapos ng palabas, ngunit meron palang kinikimkim na himutok si Lea Salonga na isiniwalat niya sa social media kahapon.

Sabi ni Lea, “Let me get this off my chest. There were some fans who yesterday approached my daughter. Afterwards she ran back to me in tears, scared.

“For the most part I try to be accommodating. But when you mess with my kid and make her cry, you’ve messed with me,” tonong seryoso at galit talaga ang Pinoy Broadway diva.

“If she develops a hatred for fans, I honestly cannot blame her. For all artists, please respect personal space and bounda­ries. We are human.

“And you don’t want to see me angry,” dagdag pa ni Lea.

Samantala, nakuha ring magpasalamat ni Lea sa lahat ng sumuporta sa play nila, “Thank you to our audiences that came to #FunHomeMNL! And now we’re flying away, after 30 performances of this life-changing, heartbreaking, beautiful musical.

“Thanks to Jeanine Tesori and Lisa Kron for writing it, and to Alison Bechdel for inspiring it. And thanks to Atlantis Theatrical for bringing it to Manila and casting me in it, placing me in a company of actors anyone would be so fortunate to work and play with.

“It has been an ­honor, truly.”

Very telling ang punchline ng mga posts niya kahapon. Naging babala na rin tuloy ito, ­sabi ni Lea, “I may have to start refusing photo requests from fans now. Thanks a lot, you guys.

“I hope you’re proud of what you’ve done. #MadMama”

Maiintindihan natin kung saan nanggagaling si Lea sa galit niyang ito.

Sana lang, may respeto ang pakitungo natin sa ating mga idolo lalo pa ang mga batang kasama nito (na hindi talaga artista).

Lesson learned ito mula sa ating ­international award-­winning performer.

***

WALEY: Ngayon ang birthday ng ­kaibigan naming si Rocco Nacino na ­patuloy ­naming tutulungan at itinuturing na kabahagi ng aming pamilya ­samantalang bahagi pa rin siya ng GMA Artist Center.

Abala si Rocco sa Encantadia bilang Aquil, at wagi rin ang kanyang iba’t ibang businesses — ang Rufo’s sa Timog at ang Elorde Gym sa Ortigas.

May dalawa pa siyang bagong ­bukas na restaurant na kasosyo siya — ang Backyard sa BGC at ang Yuan Asian Bistro sa may Kapitolyo.

Pagkatapos ng Encantadia, may mga ­pioneering efforts na sisimulan si Rocco, habang naghihintay kami na makatambal niya ang isang mahusay na aktres sa isang teleserye sa GMA din.

Kasama sa gustong ma-achieve ni Rocco ang paggawa ng mas marami pang significant na pelikula para magtatak pa ang kanyang pagiging mahusay na aktor.

Darating din ‘yan sa tamang panahon. Basta, para kay ­Enrico (tawag namin kay ­Rocco), career muna ang priority habang momentum sa kanyang projects.

Love, if it is true and right, can definitely wait. Right, Enrico? Happy Birthday Rocco!

***

For your comments, opi­nions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.