Laguna rider tinadtad ng bala

By

Patay ang isang motorcycle rider makaraang tambangan ito ng mga ‘di nakilalang suspek sa Sitio Lacao, Brgy. Concepcion, Lumban, Laguna kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jimboy Alivio y Nantes, 34, tubong Lanao del Norte at kasalukuyang residente ng Brgy. Maytalang 1, Lumban.

Batay sa imbestigasyon ng Lumban Police, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo nang paulanan ito ng bala ng mga suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na kaagad nitong ikinamatay.

Napag-alaman na ang biktima ay kabilang sa drug watchlist ng PNP.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nakatakas na suspek.