Lady Eagles balanse ang atake

By
283

Mga laro ngayon (FilOil Flying V Centre)
8:00 a.m. – FEU vs. UE (m)
10:00 a.m. – Adamson vs. Ateneo (m)
2:00 p.m. – FEU vs. UE (w)
4:00 p.m. – Adamson vs. Ateneo (w)

Looking good ang Ateneo pagkatapos ng Alyssa Valdez era, pagkatapos ng unang tatlong laro sa UAAP Season 79 women’s volleyball ay disenteng 2-1 ang baraha kabuhol ang defending champion De La Salle sa second spot.

Nasa unahan nila ang tabla sa 3-0 na UP at NU.

Sa main game mamaya sa FilOil Flying V Centre sa San Juan, pipilitin ng Lady Eagles na dumikit sa mga lider sa pakikipagtipan sa Adamson.

“Balanced ‘yung team, kailangan lahat pumupuntos,” lahad ni Ateneo assistant coach Sherwin Meneses.

Suwabe ang distribusyon ni Jia Morado ng plays para sa kanyang hitters na sina Jho Maraguinot, Michelle Morente at Bea de Leon, pinatunayan din ni Kim Gequillana na handa­ siyang rumesponde kapag hinugot mula sa Ateneo bench.

Si Gequillana ang bayani sa 25-19, 24-26, 19-25, 25-16, 15-11 panalo kontra FEU.

Umaasa si Meneses na masosolusyunan ng Lady Eagles ang problema sa receiving ng first ball.

Hinahanap pa ng Lady Falcons at ng bagong coach na si Air Padda ang unang panalo sa season.