LADY CHIEFS SA NO. 2, LADY STAGS MALINIS PA

By
92

Mga laro bukas:
(Filoil Flying V Cen­ter)
8:30 a.m. — EAC vs MIT (jrs)
10:00 a.m. — EAC vs MIT (m)
11:30 a.m. — LPU vs UPHSD (w)
1:00 p.m. — LPU vs UPHSD (m)
2:30 p.m. — LPU vs UPHSD (jrs)

Umakyat sa No. 2 ang Arellano University Lady Chiefs matapos silatin ang defending champion College of Saint Benilde Lady Bla­zers kahapon sa wo­men’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Umiskor si skipper Rialen Sante ng 15 points habang sina J­ovielyn Prado at Ma. Erica Calixto ay nag­dagdag ng 13 at 10 hits ayon sa pagkakasu­nod para ilis­ta ng Lady Chiefs ang 6-1 card.

Nalasap ng Lady Blazers ang pangala­wang kabiguan sa walong salang.

Matapos matalo sa kanilang opening game kontra last year’s runner-up San Sebastian ay kumadena ang Arellano University ng anim na sunod na panalo.

Lalong tumibay naman sa tuktok ang Lady Stags matapos kaldagin ang Perpetual Help, 25-22, 25-13, 25-13.

Walang dungis sa pitong laro ang Baste at lumalapit sila sa asam nilang nine-game sweep.

Diretso na sila sa Finals kapag naipanalo ang dalawang natitirang laro.

“That’s our goal, to be No. 1,” ani San Sebastian head coach Roger Gorayeb.

Makakalaban ng Lady Stags ang Ly­ceum of the Philippines sa Enero 23 at saka isu­sunod ang Lady Bla­zers (Jan. 25), sakaling matutupad bibitbitin nila ang thrice-to-beat edge sa Finals.

Si reigning two-time MVP Grethcel Soltones ang namuno sa opensa para sa San Sebastian sa tinikadang 19 mar­kers.


SHARE
Previous articleBinulaga, niratrat ng tandem
Next articleBagsak na naman