Labanan ang katamaran

By

Ang mga Filipino ay kilala bilang masisipag na tao. Kaya nga mas gusto ng ibang lahi sa ibang bansa ang mga Filipino magtrabaho dahil sa taglay nating kasipagan.

Ngunit may mga oras talaga na tinatamaan tayo ng katamaran. Lahat tayo ay nagiging tamad paminsan-minsan.

Aminin man natin o hindi, naging tamad tayo in one way or another. Maaaring maging masipag magtrabaho ngunit tamad kang mag-ehersisyo. Masipag ka maglinis ng bahay pero tamad ka magluto.

Sa totoo lang, mahirap kalabanin ang katamaran. Kahit gusto nating sipagin, ‘di natin magawa kasi nga nakakatamad. Ang hirap ‘di ba?

Sa makabagong panahon ngayon, marami ang makabagong libangan. Hindi natin namamalayan na ginagawa na pala tayong tamad nito.

Ang social media ang isa sa dahilan kung bakit lalong nagiging tamad ang mga tao. Ang pagkauso rin ng mga bagong games sa teknolohiya ang isa sa nagiging sanhi ng katamaran.

Mahilig din tayo magpabukas o ang tinatawag na procrastination. Imbes na matapos nang mas maaga ay ipagpapabukas na lang hanggang sa umabot na sa deadline. Nakakahawa rin ang katamaran.

Maaaring napapaligiran ka ng mga taong tamad o ang mga taong unproductive. Maaari ring ang dahilan ng iyong pagkatamad at ‘di pagsusumikap ay dahil mayroong natatanggap na financial support o sustento.

Isa ring dahilan ay ang mababang self-esteem na pakiramdam mo ay mahina ka, na hindi mo kaya. Feeling mo na hindi ka magaling at wala kang bilib sa sarili kaya lalong nagiging tamad. Ang kawalan din ng direksiyon ang sanhi ng katamaran.

Walang nagmo-motivate at walang plano sa buhay kaya nawawalan ng gana o hindi kaya’y ikaw ay nabigo na at takot ng sumubok ulit kaya tatamarin na lang.

Kaya ito ang solusyon sa iyong katamaran! Tingnan mo kung saan nagmumula ang iyong katamaran at bigyan ito ng solusyon.

Iwasan ang distraction at kailangan ang disiplina sa sarili. Unahin mong simulan ang pinakaayaw mo nang sa gayon ay magiging madali na ang mga susunod na trabaho.

Mag-focus sa goal at huwag mag-procrastinate. Gawin na ang mga puwedeng gawin at huwag na magpabukas upang matapos na.

Kumain ng gulay at prutas dahil nakapagbibigay ng enerhiya sa katawan at kapag nakakakuha ng sapat na sustansiya ang katawan ay tiyak na hindi ka tatamarin.

Ugaliin nating maging produktibo sa araw-araw sa pamamagitan ng paglaban sa katamaran. Hindi pa huli para magbago, kaibigan. Tara na at maging masipag! ()


SHARE
Previous articleLet the games begin
Next articleHoroscope 11/14/2017