LA UNION

By

Ang La Union ay matatagpuan sa dulong bahagi ng Bundok ng Cordillera patungong West Philippine Sea, kilala ang La Union bilang Surfing Capital ng Northern Luzon, sa lahat ng mga surfing hotspot ang La Union ang isa sa pinakamadaling puntahan, nasa anim hanggang ­pitong oras na biyahe­ lamang ito mula sa ­Kamaynilaan at may maayos nang kalsa­dang ­madadaanan.

Marami ring ma­pu­puntahan doong mga resorts, mai-enjoy na gawin at mga makakainang restaurants, bagama’t ang pagsu-surfing ang madalas na dinarayo sa La Union ay marami ring mga magagandang tanawing mapupuntahan sa lugar.

MGA MAGANDANG PANAHON PARA BUMISITA SA LA UNION

Ang pagpunta sa La Union ay depende pa rin sa pakay mong gawin sa lugar, habang ang ibang mga magagandang destinasyon sa bansa ay dinarayo tuwing sasapit lamang ang buwan ng Marso hanggang Mayo kung saan ay panahon ng tag-init, ang La Union ay peak ­season tuwing mga buwan ng Oktubre hanggang ­Marso, kung saan naman may mga malala­king alon sa karagatan na patok na patok sa lumala­king surfing community.

Acapulco Rocky Mountain
Acapulco Rocky Mountain

Dahil sa mga buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre ay ­malimit na may mga malalakas na pag-ulan, mas mainam ang pumunta dito sa buwan ng Disyembre hanggang Marso dahil ito ang mga buwan na malalakas ang alon ngunit hindi ganoon kadalas ang pag­uulan.

Kung ang trip niyo naman ay mag-relax sa beach at mag-swimming, summer months syempre ang magandang panahon sa mga buwan ng Abril hanggang Mayo dahil walang gaanong alon.

Bukod sa isa sa mga pinakamagandang ­surfing sites sa Pilipinas, ang La Union ay marami ring inaalok na mga aktibidades na maaaring gawin katulad ng Trekking, Kayak, Snorkel at pagkain ng mga masasarap na delicasies.

Narito ang listahan ng mga masarap gawin at puntahan sa La Union:

MAG-SURF SA SAN JUAN, LA UNION

San Juan Beach
San Juan Beach

Ang San Juan ay siyang nagsisilbing surfing hub ng La Union, mara­ming masarap at masa­yang gawing ­water adventures para sa mga local at mga foreign ­tourists,

pwede kang magdala ng sarili mong surf board o ‘di kaya ay magrenta,

maraming marerenta­hang mga surf board sa San Juan.

MAG-TOUR SA SAN FERNANDO CITY

Ang Lungsod ng San Fernando ay ang ­Capital City ng La Union, maraming magagandang aktibidad na maaring gawin sa lugar at talaga namang mai-enjoy ninyo­ ang mga ito, kabilang na rito ang pag-bisita sa Ma-cho Temple, Ruins at iba pang mga magagandang mga scenery ng Kalikasan na tanging sa nasabing lugar lamang makikita.

MAMANGHA SA MALA-PARAISONG WATERFALLS

Tanganan Falls
Tanganan Falls

Isa sa mga dinadayo sa La Union at masasabi kong magical ay ang Tangadan Falls sa San Gabriel, may pagkakataon na habang nag-ienjoy ako sa nasabing falls ay big­lang naramdaman na tila may lalabas na engkantada. Haha! ang Tangadan Falls ay mararating sa 30 minuto hanggang isang oras na trekking time, bagama’t nakakapagod na trekking ang gagawin bago marating ang falls ay bawing bawi naman kapag naroroon ka na.

MAG-RELAX SA MGA MAGAGANDANG RESORTS

Ilan sa mga magagandang resorts na puntahan ay matatagpuan sa La Union, kabilang ang Thunderbird Resorts, Poro Point at iba pa na bukod sa kasosyalang karanasan ay swak pa sa budget.

EXTREME ADVENTURES

Kung trip mo naman ng Extreme Adventures ay sa Pugad na mag­punta, magi-enjoy mo talaga ang lalo ang ang Zip ­Lining, ATV driving, repelling at wall climbing.

I-ENJOY ANG HONEYBEES

Isa pa sa magandang atraksiyon sa La Union ang pagpunta sa La Union Honeybee Center na matatagpuan sa Bacnotan, dito mararanasan at matututunan ang kung paano ang honey ay nagagawa, huwag mangambang ma-stung ng bubu­yog dahil ang mga ho­neybees ay naka-sunod lamang talaga sa kanilang beehives, so relax!

BISITAHIN ANG LA UNION CULTURE AT ARTS GALLERY

Tuklasin kung ano ang mayroon sa Silid Ti Adal Ken Laing Ti La Union Gallery, doon ay makikita ninyo ang ma­yayamang kultura at si­ning ng lugar, makikilala ninyo rin doon ang mga local artists at ang kanilang mga hindi matatawarang likha.

TUKLASIN ANG MGA ISLA SA PAMAMAGITAN NG BEACH

HOPPING

Sa dami ng mga magagandang beach sa La Union ­kabilang na ang ­Urbiztondo Beach at Pebble Beach ng Luna ay kakaibang ligaya ang ma­raramdaman sa pag­­lalakad-lakad sa amplaya lalo na tuwing sunset.

MAG-OVERNIGHT SA LA UNION

Kung balak niyo naman na mag-overnight doon ay mara­ming mga pwedeng mapanatilihang lugar, bukod sa kumportableng mag-check inn sa iba’t ibang hotel at inns ay swak na swak pa ito sa inyong mga budget.

FOOD TRIP

Siyempre mawa­wala ba naman ang pag­kain, kung culinary adventures ang trip niyo hindi magpa­patalo ang La Union sa local dishes na pwede ninyong matikman, siguradong magugustuhan ninyo ang iba’t ibang mga Ilocano Dishes at mga all time favorites na­ting mga pagkain katulad ng mga pasta, pizza, grilled food, finger foods at iba pa.

So, ano pa ang hinihintay niyo, tara nang mag-surf, mag swimming, mag-overnight at mabusog sa La Union!!!