KRIS, PIOLO AT BEA, SAPUL SA ‘VIRGIN’

By

HAVEY: Katatapos lang ng 13th Virgin Labfest, festival ng new, unpublished, unstaged works ng mga playwrights now.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng CCP, the Writers Block at ng Tanghalang Pilipino para itanghal ang mga mahuhusay one-act-plays with various styles at genres na puwedeng either i-expand to a full blown play o kahit pelikula.

This year’s harvest of plays really dealt with various topics.

Noteworthy (at least for me) ang Hindi Ako Si Darna — ang laugh-out-loud comedy piece nina Maynard Manansala at UZ Eliserio directed by Andoy Ranay tampok sina Tetchie Agbayani, Ricci Chan, John Lapus, Kim Molina, Jay Gonzaga at ‘yung modern-day Rene Requiestas (na sob­rang nakakatawa) na si Ekis Gimenez.

The play talked about being a modern-day superhero sa makabagong mundo.

In-enjoy lang ng mga mandudula ang kanilang ginagawa kaya sobrang nahawa nila ang mga tao.

Isa pang nakakatuwang presentation ay ‘yung Nothing But Dreams na isinulat ni Dingdong Novenario sa direksyon ni Carlitos Siguion-Reyna.

Tampok dito ang mahuhusay na aktor na sina Audie Gemora, Mads Nicolas, Lhorvie Ann Nuevo, at Thou Reyes.

Tungkol ito sa nagbaba­likbayang anak na nakahanap ng fiance na Kano na buong pag-aakala ng mga magulang ay puti.

Iyun pala, isang black man ang tumambad sa kanila. Doon nagsimula ang paglabas ng mga cultural bias laban sa mga itim. Napakagaling ng ensemble cast. Sakay at ramdam ng audience ang isyu ng diskriminasyon at pagkakahati ng pamilya nang hindi nagiging spoonfeedingly preachy.

Tama lang ang pinta ni Direk Carlitos. Sana, next time, ‘wag nang masyadong ma-conscious si Thou sa kanyang accent and instead, focus more on the emotions needed.

Lamon na lamon siya ng mga established theater artists.

OK din ang mga seryosong piyesa na Si Dr. Dolly Dalisay at ang mga Ladybugs tampok sina Dolly de Leon & Celeste Legaspi, at ‘yung Dear And Unhappy na lahok nina Bernardo Bernardo & Cris Villonco.

Kaya lang, mas pinabo­rahan malamang ng mga hurado ‘yung dulang obviously ay nakapukaw sa bagong henerasyon ng cultural workers and audiences.

May tatlong dula na kasama sa BEST OF VLF 2017 na magkakaroon ng REVISITED run next year.

Ito ay ang Birdcage tungkol sa mundo ng BPOs at ang kaibahan ng mga pangarap ng mga nasa ganu’ng set up; at ang Security Bikers’ Club na tungkol sa isang bike group na nagkaroon ng isyu sa pagtanggap ng isang miyembro na ang asawa’y natokhang at nahusgahan na dahil sa isyu ng droga.

Significant ang piyesang ito dahil hudyat ito ng pagbabalik ni Soliman Cruz sa pag-arte muli.

***

Kris Aquino
Kris Aquino

WALEY: Kontrobersyal sa 13th Virgin Labfest ang Pilipinas Kong Mahal With All The Overcoat ni Eljay Castro Deldoc sa direksyon nina Roobak Valle at ­Tuxqs Rutaquio.

Isa itong matapang na piyesa na nagpo-problematize ng isyu ng FAKE NEWS, and the play spared no one — mula sa STD issue ni Kris Aquino, hanggang sa gender rumors kina Piolo Pascual pati na ni Bea Alonzo, na-punchline nila.

Ultimo pagka-bobo ng mga Pinoy, naikonek sa pamamayani nina Senators Manny Pacquiao at Tito Sotto hanggang sa pagiging high profile ni Mocha Uson ay natalakay rin.

Malaking bahagi ng dula ang pagkakasangkot ng clergy sa fake news.

Ang highlight ng play, ang pagbabalik sa kapangyarihan at ang kultura ng harassment, bribery and control ng mga Marcoses at marami pang iba.

Sobrang tapang at nakakawindang kung paano ito natahi lahat sa isang masinop na less-than-an-hour na presentation.

Sana, mas marami pang makapanood nito sa susunod na tayo sa VLF REVISITED — if only to be aware and be more vigilant about misleading satirical websites and how it has become a big source of income sa bayan natin ngayon.

Piolo Pascual
Piolo Pascual

Sana, intact pa rin ang original version next year o mas maging mas timely at matapang pa. At sana hindi ito na-edit o ma-censor ng CCP.

Nang huli namang makausap ang bagong presidente ng CCP na si Nick Lizaso, sinusuportahan daw nito ang freedom of expression at ang sabi, “Art should comfort the disturbed and disturb the comfortable.”

Mas OK raw kay Sir Nick kung ang isang painting, drama piece o pelikula ay humahamon sa kamulatan ng mga manonood at pinag-uusapan at inaaksyunan.

“This is the function of art — not just to please, comfort, reinforce, or reassure our biases, predilections and views, but to startle us.

“For this reason, I believe in giving artists the full space and leeway to create works that stimulate and provoke thinking and arouse emotions,” sabi ni Sir Nick.

We would really expect and appreciate this move if ever.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.