Kredensiyal itataya ni Osenio

By

Maliban sa angking husay sa mixed martial arts, idinagdag pa ni wushu artist champion at ONE Championship atomweight contender April Osenio ang isa sa higit na pinapa­ngarap ng bawat magulang: Ang magkaroon ng ­diploma.

Kabilang sa tatlo pang kasamahan sa Team Lakay, si Osenio ay nagtapos ng Bache­lor of Criminal Justice Education sa University of Cordilleras sa Baguio City nitong Setyembre 1.

Ayon kay Osenio, isa itong accomplishment para sa kanya para tunawin ang nakagawiang kasabihan na ang prizefighters ay hindi nakakapagtapos ng sapat na edukasyon.

“Pursuing your passion in martial arts is not a hindrance in securing your future through education,” aniya.

“It is also a way of breaking the stigma that fighters have in our society. It’s an achievement that I was able to set an example for others to follow.”

Alam rin ni Osenio na ang pagiging professional athlete ay hindi pang-habambuhay na trabaho at ang magkaroon ng ­college degree ay nagbubukas ng ibang daan para sa kinabukasan.

“Education is very important because my career as a fighter will not last for long time,” ani Osenio, na ang kanyang unang professional bout ay sa ilalim ng ONE Championship banner noong 2015.

“By the time I reach 38 or 40 years old, I need to retire and have another job to support my family.”

Habang nagre-review si Osenio para sa Criminologist Licensure Examination sa Hunyo 2018, pansamantalang iniwanan muna niya ang paghawak ng libro para magpokus sa pagsuot muli ng kanyang 4-ounce combat gloves.

Isasara ni Osenio ang taong 2017 para sa Team Lakay sa pagsabak muli sa ONE Championship cage sa Disyembre 9 sa Impact Arena sa ­Bangkok, Thailand.