Koreano nahulog sa condo, patay!

By

“Nahulog o inihulog?”

Ito ngayon ang masusing iniimbestigahan ng Pasay City Police sa pagkamatay ng isang Korean national na nahuhlog kanina sa mula sa ikatlong palapag ng condominium sa Pasay City.

Basag ang bungo at ang mukha ng biktimang si Taehyong Kim, nasa hustong gulang, tenant ng Unit 1240 Park Avenue Mansion, dahil sa malakas na pagkakabagsak nito sa sementadong sahig ng condo.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Pasay City Police, alas-8:00 ng umaga kanina nang maganap ang insidente sa ikatlong palapag ng Park Avenue Mansion na matatagpuan sa Park Avenue, Pasay City.

Ayon sa report, nagulat ang ilang tenant sali nang biglang may malakas na lumagapag sa ground floor ng gusali.

Mismong sa jogging path veranda bumagsak ang biktima at namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD), walang damit si Kim nang mahulog ito sa nasabing lugar at posibleng kagigising lamang nito.

Iimbestigahan ng mga pulis kung may nakaalitan o may nakaaway ang biktima bago mangyari ang insidente.