Kontrobersyal na fire truck deal ng DILG itinuloy

By

Kinumpirma ng Malacañang na ang kontrobersyal na fire truck deal na naging dahilan ng pagkakasibak sa puwesto ni Department of the Interior and the Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueno ay itutuloy.

Sa isang statement, sinabi Presidential spokesperson Ernesto Abella na ang deal ay “a perfected contract and there is no temporary restraining ­order (TRO) that prevents its implementation.”

Matatandaang sinibak ni Pangulong ­Rodrigo Duterte ang dating ­kalihim ng DILG sa isang cabinet meeting dahil sa nasabing isyu.

Nitong Miyerkules ay binanggit ni Duterte sa isa nitong talumpati ang pagsibak sa isang cabinet official dahil sa a fire truck deal.

“Tapos ‘yung report niya galing sa legal ­officer niya mismo. At sabi ko bakit pumunta doon to sign, to buy it fire truck worth 18 million? P…, anong klaseng sunog ‘yan?

We’ll buy it at 7, 8. That’s the running price now over a fire truck made in Japan. This guy has to go to sign despite the fact that the opinion of his lawyer, the legal officer of his office, says do not differ,” bahagi ng pahayag ng Pangulo.

“He went to sign and when I asked him during the Cabinet meeting, I said, ‘Did you not read the…’ And he said, ‘No, I was not furnished a—’ Gusto  kong sampalin eh kaya lang nandiyan man sila ma’am. Sabi ko lang, ‘You’re fired. Go out of this office. I don’t need you,’” dagdag ni Duterte.

Gayunman ay mariing itinanggi ni Sueno na may ginawa siyang kapalpakan sa DILG.