Abante Tonite Interactive

Kobe Paras, FIBA 3×3 Player of the Day

By
Napasalampak si Kiefer Ravena (1) ng Pilipinas, naghanap ng mapapasahan bago dambahin ni Charles Bronchard (14) ng France sa FIBA 3x3 World Cup sa Nantes. Yuko ang Filipinos sa Frenchmen, 22-11, pagkatapos ibaon ang Romania, 21-15. (FIBA photo)
3

Nabigo ang Philippine squad na umiskor ng back-to-back upset wins matapos yumuko sa host France, 22-11, kahapon sa FIBA 3×3 World Cup sa Nantes.

Binulaga ng Team Philippines nina Kobe Paras, Kiefer Ravena, Jeron Teng at JR Quinahan ang seventh-seed ­Romania, 21-15, sa first game bago ­yumuko sa Frenchmen.
May kartang 1-1 ang PHL team sa Group B.

Nakopo ng France ang first place sa Group B, tinalo rin ang El Salvador 21-5.

Sa tikas na pinakita lalo kontra ­Romanians, si Paras ang tinanghal na tournament Player of the Day.

Pinakabata sa torneo si Paras sa edad 19, tumabo ng 12 points sa first game huli ang free throws na nag-­selyo sa panalo. Isa sa highlight ng laro niya ang behind-the-back move bago ­sinagasa ang dalawang defenders tungo sa basket. Naka-three points lang siya kontra France.

Sunod na makakalaban ng Pilipinas ang second-seed Slovenia (2-0) bago ang El Salvador. Tinalo ng Slovenia ang El Salvador 21-16 at Romania 21-12.