Knights tumakas sa free throw line

By

Sinandalan ng Letran Knights ang clutch baskets ni Kier Quinto para tuhugin ang 76-75 panalo kontra AMA University Titans kahapon sa 23rd Fr. Martin Cup Summer Basketball tournament sa St. Placid gymnasium ng San Beda-Manila Campus.

Bumanat naman ng back-to-back wins ang San Beda Alabang Red Cubs matapos lapain ang St. Patrick School 75-68 at Paco Citizens Acade­my Foundation 76-48 sa juniors division.

Tumikada ng dala­wang free throws si Quinto sa huling 9.9 seconds para itulak ang Knights sa pang-apat na panalo sa limang laro.

Pinamunuan nina Rey Nambatac at Jerrick Balanza ang opensa ng Letran sa nilistang tig-16 puntos.

Lumapit ang Knights sa target na quarterfinals slot sa Group A.

Nagtala naman si William Zuno ng 23 markers para sa Alabang Red Cubs kontra St. Patrick, bumanat si Marlon Mahilum ng 20 points laban sa PCAF.

Sa ibang resulta, ­nanaig via default ang NU Bulldogs sa MLQU para ilista ang third win sa Group B ng ­seniors division, nanaig ang AMA sa Diliman ­College 80-75.

Wagi ang PMMS sa Rich Golden Montessori School 79-73.