Kirst Viray umalma sa ‘gamitan’ kay Kiray

By

NGAYON lang yata nagsalita si Kirst Viray, ang modelo at ngayon ay pumasok na nga sa pag-arte at kasalukuyang napapanood sa primetime series ng ABS-CBN na La Luna­ Sangre.

Malakas pala ang da­ting nito at may kakaibang appeal, lalo na sa kanyang long wavy hair.

Kilala na si Kirst sa mo­deling mapa-ramp o TVC man. In fact, kamakailan lang, isa raw ito sa na-feature sa isang German Fashion Magazine.

Dati raw itong co-managed ng Cornerstone at Mercator, pero nag-decide na raw siyang full management na lang siya­ ngayon ng Mercator.

Aminado si Kirst na naging daan ang pagkaka-link nila ni Kiray Celis kaya mas naging madali ang name recall sa kanya ng tao.

At ina-acknowledge ni Kirst na si Kiray ang isa sa nakapag-motivate sa kanya­ kaya niya pinasok ang pag-arte.

Bukod dito, kapag daw may mga hindi siya alam o nahihirapan siya sa pag-arte, si Kiray rin ang to-go person niya para magpatulong o magpaturo ng tamang pag-arte.

Base sa kuwento ni Kirst, hanggang ngayon ay okey pa rin ang communication nila na nagsimula silang magkaki­lala dahil sa isang indie film na ginawa­ nila. Close rin daw siya sa momm­y ni Kiray at may mga times na tumatambay siya sa bahay ng mga ito.

Sinagot na raw nila ang tanong kung ano talaga­ ang meron sa kanilang da­lawa nang mag-guest sila sa Minute­ to Win It.

Aniya, “Sobrang close lang talaga namin.”
Walang involved na romantic feelings sa kanila?

“Romantic? Wala naman, sobrang close lang talaga namin. At saka, wala pa talaga ko sa point na pumasok sa relationship. Galing kasi ako sa long-term relationship na almost five years, tapos ‘yung break-up namin, sobrang sakit talaga.”

Nag-trending sila dahil gumawa pa sila ng blog, may mga social media postings. Kaya feeling­ tuloy ng iba, parang naggamitan lang sila para­ magkaroon ng ingay.

“Wala namang gamitan. Hindi naman, kasi sa amin wala naman. ‘Yung nangyari, nag-trending kami, nag-uusap pa kami­ that night. Pero never naming plinano. At okey pa rin naman kami hanggang ngayon.”

Geoff at Gabby Eigenmann agawan kay Glaiza

FINALLY, mapapanood na muli si Geoff Eigenmann sa Kapuso network. Hindi lang pala si Gabby Eigenmann ang kasama ni Glaiza de Castro sa bago niyang serye na Contessa, ang bagong daddy rin na si Geoff.

Matagal-tagal din na namahinga si Geoff at ang huling serye pa yata niya ay ang Be My Lady ng ABS-CBN.

Matagal din itong naghintay ng follow-up project. Pero at the same time, it gave him an ample time to be with her baby girl sa girlfriend na si Maya.

Nagpagupit na ito ng buhok, nag-ahit na rin ng balbas at mas payat na ang katawan kumpara­ noon. Which means, ready na nga siya sa mu­ling pagbabalik telebisyon.