Kinalasan ng GF sa Albay, nagbaril

By

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo ang isang 24-anyos na binata matapos umanong kalasan ng kanyang nobya kamakalawa sa Guinobatan, Albay.

Sinubukan pang isugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival matapos magtamo ng isang tama sa sentido ang biktimang si Dexter Mortalla ng Barangay Libod ng nabatid na bayan.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:00 ng umaga ng magtalo ang biktima at hindi na pinangalanan nitong nobya sa Barangay Poblacion ng bayang ito matapos na magselos dahil may umaaligid na ibang lalaki sa nobya.

Sa gitna ng pagtatalo ay doon na kinalasan ng babae ang biktima dahilan upang lalong uminit ang ulo nito at magwala sa lugar dahilan upang humingi ng “police assistance” ang babae.

Subalit habang tinatangkang papayapain ng mga rumespondeng pulisya ang binata ay bigla nitong hinugot ang kanyang 9-mm na baril na nakatago sa beywang sabay tutok at ipinutok sa sentido nito.


SHARE
Previous article‘Greatest’ finale
Next articleBaby boy ipinaanod