Kim Jones dedma sa kilig moments nina Heart-Jericho

By

SINUBUKAN naming hingan ng reaksiyon ang misis ni Jericho Rosales na si Kim Jones sa pamamagitan ng Instagram account nito sa kung ano ang masasabi na dahil sa aksidenteng pagkikita ng mister niya at ng ex-girlfriend nito na si Heart Evangelista, tila nabuhayan naman ang mga naging fans ng dalawa.

Aba, e, biglang may clamor na sana raw magsamang muli sa isang project sina Echo at Heart. At nandiyang may nagsabi pang nakakakilig daw ang dalawa, picture lang ‘yun na mukhang kaswal na nag-uusap na sila.

‘Yun nga lang, wala kaming natanggap na reply mula sa model-wife ni Jericho.

Pero for sure, kung sakali man nga na matuloy ang wish ng fans ng dalawa, okey lang ito kay Kim na alam namin, hindi talaga selosa.

At alam na ever since ang nature ng trabaho ni Echo bilang isang artista.

Both happily married na nga sina Jericho at Heart.

Pero pareho rin sila na kahit ilang taon na ngang kasal ay parang choice nila na huwag munang mag-baby.

So sino nga kaya sa kanilang dalawa ang mauunang maging Daddy o Mommy.