KILL SAYYAF, P1M REWARD

By

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga awtoridad at maging ang mga sibilyan na magtulungan sa pagtugis sa mga galamay ng bandidong Abu Sayyaf­ Group (ASG) at magbibigay ito ng P1 mil­yon sa kada ulo ng makakahuli o makakapatay na miyembro ng ASG.

“My order is to the police and the — lahat — and even civilians who are ­interested to fight and kill, ang order ko is dead or alive. I have a one million offer per person ako.

Tip lang ibigay mo sa pulis pati military, no questions asked, do not even give your name, sabi mo lang kung saan sila at gobyerno na ang bahala,” paghahayag ni Pangulong Duterte nang makapanayam sa Tagbilaran, Bohol kasunod ng dinaluhang security briefing para sa idaraos na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa nasabing lalawigan kahapon.

Ayon kay Pangulong Duterte, inatasan na niya ang military at pulisya na tapusin na ang laro at tugisin na ang lahat ng bandidong miyembro ng Sayyaf na nakasagupa ng tropa ng gobyerno sa ­Bohol ng nakaraang linggo.

“Ako, I encourage ­civilians also to kill kasi dead or alive man ‘yan may reward pero mas gusto ko ‘yung dead kasi ‘yung alive magpa­kain pa ako, ma’am, magastos masyado,” sabi pa ng Pangulo.

“Well, I intend also to arm the civilians and I will include the civilians. ‘Pag nakapatay ka, you don’t have to worry. You just go to the police and make the report and state your truth. Wala kang problema, I’ll take care of you. I’ll pardon you or whatever,” dagdag ni PDu30.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo dahil anim pang galamay ng Sayyaf na nakatakas sa nangyaring sagupaan noong isang linggo ang patuloy na nagtatago sa bulubundukin ng Bohol.

Siniguro rin ng Punong Ehekutibo sa publiko na ginagawang lahat ng gobyerno ang mga hakbangin para matuldukan na ang terorismo at maagapan ang pagkalat ng bandidong grupo sa iba pang bahagi ng bansa.

“I said we are doing our best. The Army is here, the place is secured. We have more than enough officers to fight for one year if need be. So you are safe,” giit pa ng Pangulo.

Samantala, nilinaw ng Pangulo na handa na ang lahat para sa pagho-host ng world leaders sa ASEAN Summit.

“So matagal na ‘yan pinlano. It’s been in the books for — alam na namin ‘yung mga events na dara­ting. It has been prepared a long time ago,” sabi pa ni Pangulong Duterte.