KEIRA, LALONG GUMAGANDA

By

Paolo at Keira
Paolo at Keira

SINURPRESA si Paolo Ballesteros ng anak niyang si Keira Claire na mukhang umuwi rito para maki-Father’s Day kay Pao.

Magkasama ang mag-ama sa Araw ng mga Tatay kaya ang saya ni Daddy Paolo.

May pic pa silang nakahiga sa kama at naggu-good night si Pao dahil matutulog na sila.

Ang daming comments na pinupuri ang beauty ni Keira, na parang habang nagi­ging dalagita ay lalong gumaganda.

Nagmu-model na sa Amerika ang US-based na pretty daughter ni Paolo.

***

Kahapon ay ipinost ng preggers na si Pokwang ang unang picture ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan.

Hawak ni Pokie ang screen sa ospital nang magpa-ultrasound siya kahapon at makikita sa sonogram ang image nu’ng baby.

Bawal muna ang friend niyang si Chokoleit na pumunta sa kanyang bahay.

Sinabihan kasi siya ng fans na iwasan niya muna si Chokoleit dahil baka mapag­lihian niya ito.

Pahinga muna sa work si Pokie dahil sa kanyang pagbubuntis. Full bed rest ang advice sa kanya ng doktor.

May pinost din siya kahapon na video greeting ng mga kasamahan niya sa Ang Probinsyano.

“Congratulations, Mamang! We miss you!” ang sabi ng co-stars niya, na suportado ang kanyang pagbubuntis.

Sa isang interview ng ABS-CBN ay sinabi ng live-in partner niyang si Lee O’Brian na 7 weeks na ang tiyan ni Pokie at masayang-masaya sila nang malaman nila ito.

“She was super happy, I was super happy, too. Sobrang masaya, I prayed for this.

“She’s doing well. She’s resting. She’s currently at seventh week and required to do bed rest.

“I don’t know for how many weeks but I know she’s withdrawn from all of her shows or commitments,” bulalas ng Amerikanong dyowa ni Pokie.

February next year ang due ng komedyana at kung lalaki ang baby ay William ang first name nito dahil sa pamilya ni Lee.