KATHRYN, NATAWA NANG SABIHAN NA KAMUKHA NI CHARICE

By

USAP-USAPAN sa social media ang bagong hairstyle ni Kathryn Bernardo sa La Luna Sangre.

Maraming komento na mukhang tomboy si Kathryn at kamukha niya si Jake Zyrus (dating Charice Pempengco).

Hindi napipikon si Kathryn sa obserbasyon na ‘yon ng viewers tungkol sa kanyang bagong itsura.

Noong unang isuot daw ni Kathryn ang wig na ‘yon at bago siya su­malang sa eksena, tinanong pa niya ang mga tao sa set ng La Luna Sangre kung ano ang opinyon nila sa wig na ipinasuot sa kanya.

Sabi pa raw ni Kathryn, dapat maging honest ang mga tinanong niya tungkol sa kanyang itsura.

“Huwag kang magagalit, kamukha ka ni Charice sa wig mong ‘yan!” sey raw ng isang bading na tinanong ni Kathryn sa set.

Jake Zyrus
Jake Zyrus

And true enough, hindi nagalit si Kathryn at natawa pa raw.

Parang mas dumami pa ang viewers ng La Luna Sangre dahil sa pagko-compare kay Kathryn kay Charice/Jake dahil sa wig na ‘yon, huh!

But of course, magkamukha lang sina Kathryn at Charice/Jake kapag suot ng young actress ang wig na ‘yon.

Babaeng-babae ang ka-loveteam ni Daniel Padilla.

Komento ng iba, malayong maging tomboyita si Kathryn dahil tuwing kasama ng dalaga si Daniel ay obvious na in love sa isa’t isa ang dalawa.

***

Sina Lovi Poe, Tom Rodriguez at Erich Gonzales ang mga bida sa pelikulang The Significant Other sa direksyon ni Joel Lamangan.

Kasama rin sa proyektong ‘yon sina Dina Bon­nevie at Snooky Serna.

May fans na nagsasabing sana raw ay isinama na rin sa pelikulang ‘yon si Maricel Soriano para parang reunion na rin nilang tatlo nina Dina at Snooky na kasabayan noon ng Diamond Star sa bakuran ng Regal Films.

Noon pa man ay marami na ang humihiling na magkaroon ng reunion project ang tatlo.
May fans na nag-aakalang magkakaroon ng reunion project sa GMA 7 ang tatlo since identified na sila sa Kapuso network.

Speaking of project sa Kapuso network, wala pa ring follow-up projects sa Siyete sina Dina, Snooky at Maricel, pero ang una pala ay nag-taping na para sa guest role sa bagong series ni Marian Rivera na Super Ma’am.

***

Sa Agosto 13 ang All-Star Basketball Game ng Kapamilya network na pangungunahan ng teams nina Daniel Padilla at Gerald Anderson.

Nagkaroon na sila ng ganitong basketball event last year.

Ang basketball game na ito ang tinututukan ngayon ng karamihang stars ng Kapamilya network lalo na ‘yung mga taga-Star Magic.

***

Mamaya ang Parade of Stars ng #DabarkadsGoals ng Eat Bulaga.

Paparada ang mga kasali sa 38th anniversary special segment na ito ng longest running noontime show.

Kanya-kanya silang “pasabog” sa production number.