Kathryn, gandara ‘pag simple ang ayos at kalma ang akting

By

HIT ang KathNiel movie na Can’t Help Falling in Love na nagbukas nu’ng Sabado de Gloria.

After nilang magmabigat na drama sa Barcelona ni Direk Olive Lamasan ay magaan at masaya sa romcom ni Direk Mae Cruz-Alviar.

Kung guwapong-guwapo kami kay Daniel Padilla sa Barcelona, cute na cute kami sa kanya sa Can’t Help Falling in Love.

Ibang klase ‘yung charm ni Daniel, sagad sa buto.

Sobrang havey ‘yung mga patawang hirit niya at ang effortless ng mga pa-charming niya, kaya nakakainlab siya nang severe!

Hindi man movie star-handsome si Daniel sa level nina Piolo Pascual o Richard Gutierrez ay may sarili siyang kaguwapuhan at wagas ang kanyang sex appeal.

Wala rin siyang pamatay na abs at hindi sex symbol ang dating niya ‘pag nakahubad, pero sagad ang kanyang pagka-star.

Parang kinikiliti ang audience sa mga hirit niya kay Kath na, “Oh, you’re violating me. I love it!!”

***

May pagka-estupido ang premise ng pelikula na umikot sa paghahanap ng paraan ni Gab (Kathryn) na mapawalang-bisa ang kasal nila ni Dos (Daniel) na naganap isang gabing nalasing at nagkalandian sila sa bar.

Pabirong ikinasal sila ng mayor (Zanjoe Marudo) na kainuman nila, na may pirmahang naganap, tapos ay naiparehistro ‘yon ng staff (Joross Gamboa) ni mayor.

Kahit madaling patunayan na walang bisa ‘yon at ni wala silang marriage license ay doon umikot ang istorya for comic purposes.

Pati ang kinuhang lawyer ni Gab ay kakatuwang abogado na parang sa mga comedy movies noong araw.

Nag-work lang ang pelikula dahil sa dalawang bida nito.

In fairness ay ang ganda rito ni Kathryn lalo na ‘pag simple ang ayos niya at kalma lang ang acting niya.

May tendency kasi siyang sipunin palagi at mag-‘sinusitis acting’ tuwing umiiyak na siya at nagdadrama.

Ang fresh ng mukha ni Kath sa screen at ang ganda ng aura niya, hindi kagaya sa Barcelona na nagkulut-kulutan pa siya ng hair at pa-mature ang peg pero lumabas na pilit ang dating.

Si Daniel ay swabeng-swabe lang du’n sa monologue niya kay Kath sa hospital bed, na ni walang luha pero wapak ang impact.

Grabe kasi ‘yung sincerity ng acting ni DJ kaya ang lakas ng tama at damang-dama.
Cry kami sa eksenang ‘yon kahit hindi siya umiyak.

***

Trulaloo at hindi kiye­me lang ‘yung tsikang kamukha ni Joross Gamboa si Alice Dixson!

Alice na Alice ang hitad sa eksenang kausap niya si DJ sa may beach.

At papayag ba itong hindi maka-punchline?

Syempre, hindi.

Ang bongga ng pagpaparamdam ng presence niya at nagawang sulitin ang sasandaling screen time niya!


  • spontaneous2

    binayaran ka ba ng Star Cinema at todo promote ka ng pelikula nila? hahahaha alam ko EB lang lagi topic mo eh..well at least bayad 😀

    • simon peter

      lahat nalang ba ng magsasabi na maganda yun movie ng kathniel o magpromote ng movie nila, bayaran agad? AMPALAYA KA NOH! interesado ka din kasi, kaya binasa mo yun article…hahaha

      • spontaneous2

        di mo nagets yun opinion ko…it is very seldom that he writes an article to any ABS CBN or Star Cinema topic…ngayon lang. Kung lagi mo binabasa article ni Allan Diones, ang laging laman ng article nya ay Eat Bulaga…yun lang po ang ibig kong sabihin… di ako against sa movie at wala ako maicomment dahil hindi ko pa napapanood ang pelikula…at mukhang hindi ko na rin panonoorin dahil sa tulad mong Kathniel na war freak! hahaahha

      • simon peter

        ndi ako warfreak…basahin mo nga yun comment mo “binayaran ka ba ng Star Cinema at todo promote ka ng pelikula nila? hahahaha”

        mema ka lang..nagwrite lang ng article bayaran agad…o sige ganito nalang bayaran sya ng eat bulaga kasi panay EB pala madalas nya iwrite up