Kapit sa ‘magic four’ palalakasin ng Lady Blazers

By
140

Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Center)
8:00 a.m. — AU vs CSB (jrs)
9:30 a.m. — AU vs CSB (m)
11:00 a.m. — AU vs CSB (w)
12:30 p.m. — UPHSD vs SSCR (w)
2:00 p.m. — UPHSD vs SSCR (m)
3:30 p.m. — UPHSD vs SSCR (jrs)

Tangka ng defending champion College of Saint Benilde na sumikwat ng panalo ngayong araw upang palakasin ang kapit sa magic four ng 92nd NCAA women’s volleyball tournament.

Haharapin ng Lady Blazers sa 11:00 ng umaga sa The Arena sa San Juan City ang Arellano University na malaki rin ang tsansa na sumampa sa semifinals pagkatapos ng 10-team single round robin.

Solo sa second spot ng team standings ang Taft-based squad Lady Blazers tangan ang 6-1 card habang kasalo ng Lady Chiefs ang Lyceum of the Philippines sa third bitbit ang tig 5-1 records.

Mag-isa sa tuktok ang last year’s runner-up San Sebastian na may malinis na anim na panalo, toka nila ang Perpetual Help sa 12:30 ng tanghali.

Makasisiguro sa Final Four ang Lady Stags sakaling makuha ang panalo sa naghihingalong Lady Altas.

Bukod sa F4 malaki rin ang tsansa ng San Sebastian na dumiretso sa Finals bitbit ang thrice-to-beat advantage kung mawawalis nila ang tatlong huling natitirang laro kasama ang laban nila sa Perpetual.

Sakaling buwenasin ang Baste, magiging stepladder semis na ang labanan, magtatapat ang Nos. 3 at 4 at ang mananalo ay lalabanan ang No. 2 na may tangan na twice-to-beat edge.
Ayon kay San Sebastian coach Roger Gora­yeb hindi muna nito iniisip ang sweep.

“I’m more concerned on how the team prepare each and every day and not think of the sweep that much because I don’t like to put pressure on the team,” wika ni Gorayeb.

Sunod na makakalaban ng SSC ang Lady Pirates sa Enero 23 at Lady Blazers (Jan. 25.).


SHARE
Previous articlePROVERBS 28:27
Next articleIza, pang-horror ang mga mata