Kagawad ng Cavite tinadtad ng bala

By

Patay sa pamamaril ang isang aktibong barangay kagawad sa insidenteng naganap sa Lungsod ng Bacoor sa Cavite kamakalawa.

Kinilala ng Bacoor Component Police Station ang nasawing biktima na si Robinson Ordinez ng Barangay Panapaan 8 sa nasabing lungsod, na pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek sa Almond Street, Meadowood Executive Village, sa kanilang Barangay dakong alas-nuwebe ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima mula sa ‘di pa matukoy na kalibre ng baril at idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng pagkaka­kilanlan ng mga nagsitakas na suspek sakay ng di naplakahang motorsiklo at kasalukuyang sinisilip ang mga CCTV na installed sa bisinidad ng pinangyarihan ng krimen.