JUDAY AT BETH, WAGAS ANG KABITAN


HAVEY: Parang eksena sa pelikulang Beaches (released locally as Forever Friends)…

Nagtagpo, nagkasama at nagkaroon ng oras para mag-bonding ang ang magkabit-pusod at bituka, kapit-bisig na mag-best friends na Judy Ann Santos at Beth Tamayo.

Sa post ni Juday, wagas ang kanilang bonding at ha­lakhakan na may caption na ganito, “Ta­wang-tawa lang! Bakit naman hindi?”

Sinagot ito ni Beth ng, “Always a blast with you. #mytummyhurts #mybestie #cantstopwontstop”

Nang tinanong ko sila kung ano ang ganap at ganu’n na lang at bigay todo ang kanilang pagsasaya, ang sabi ni Beth, “Ang dami ko talagang tayo dito kapatid! May binitiwan lang akong one-liner tungkol sa buhay ko, tapos ayun, in fair, nakakatawa naman. Hahaha!”

Nakita mong na-miss nila ang isa’t isa at ‘yun na rin ang bonding ni Beth with her inaanaks na anak din ni Juday.

Weekday ‘yun, at nag-leave si Beth at mga kaibigan at kapamilya nila sa L.A. at nag-chill lang sila sa Newport Beach.

Sinamantala rin ni Beth ang pagkakataon na makausap nang masinsinan ang pamangkin niyang si Dominic Roque na ihinabilin niya kay Juday noon pa man.

Sana, mag-focus na si Dom sa kanyang career para magtuluy-tuloy na ang pag-angat niya at iwas na muna sa extra-curricular activities.

‘Yun na!

***

WALEY: Waley pa hanggang ngayon ang final rules ng Metro Manila Film Festival 2017.

Ang tanong ng bayan, babalik ba tayo sa nakasanayang script submission tulad ng dati o sa pamantayan na hindi lang dito sa ating bansa kundi internationally na finished film na?

Mukhang hati pa rin ang kasalukuyang EXE­COM kaya binubuno pa rin ang implementing guidelines.

I understand na mas panigurado sa mga produksyon ang script submission.

Mas magiging solid ang investors kung si­gurado nang pasok ang script at less risk kaysa kung hindi matanggap ang kanilang finished film at walang makuhang viable playdate.

Ang lahat ng ito ay magiging taya ng mga sasaling producers na ang gusto ay magandang kalidad ng entries na puwedeng ma-promote nang maayos para mas tangkilikin ng mga tao.

I support finished films over scripts as the basis of selection in the MMFF because a script is not the film.

The script is a small fraction of the film so you cannot judge the totality of a film based on a script.

Nakausap namin noong isang hapon si Tita Malou Santos, ang Managing Director ng pinakamalaki at pinaka-kumikitang film company ng ating bansa, ang Star Cinema.

Heto ang kanyang saloobin, “A script is an important component of filmmaking, but it is not the final output.

“There can be good scripts which turn out to be bad films; and vice versa. So in the end, it’s best to judge the finished material.”

Habang hinihintay pa ang final decision ng MMFF EXECOM kung scripts or finished films ang magiging basis ng submission, producers should still submit and comply with the rules and requirements.

The MMFF still has the most viable and pro­fitable playdate for any local film.

Basta, kapit-bisig lang. Hintay lang tayo dahil hindi matatapos ang Abril nang wala pa tayong rules and requirements para sa MMFF ngayong taong ito.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.