Joey & Angelina, nakakahibang ang pagmamahalan

By

MALIBAN sa birthday ng diva that you love, ang Hunyo ay tinaguriang Pride Month.

Ito dapat ‘yung panahon na anything and everything tungkol sa makulay na buhay ng mga members of the Rosas Pandan Community eh ibinabalandra at ipinagdiriwang.

Palakpakan na may kasamang sigawan para sa pink fairies & mermaids!

Isama na rin natin ang pink elephants at pink lemonade!

Kaya lang, may nararamdaman akong pagkabalisa lalo na’t nalalapit na ang pagtatanghal ng The Kings sa isang cable channel.

Hindi ito tungkol sa buhay ng mga British at kung sinu-sinong royalties. Ang bida-bidahan rito ay si Joey Mead King at ang kanyang asawang si Angelina Mead King na dating si Angelo King.

Pardon my political incorrectness pero hindi ko ma-gets ang relasyon nina Joey Mead at Angelina King.

May tuliro at hibang factor ang kakaiba nilang pagsasamahan.

Babae si Joey — sa isip, salita, pisikal na kaanyuan at sa gawa. Ang busilak niyang pagkababae ba ang dahilan kaya niyakap at minamahal ang pagbabago ni Mr. King na ngayon ay Ms. King na?

Si Angelina, gustong maging babae. Sa nakikita kong mga larawan niya, video clips para sa paparating na dokyu, ‘matigas’ at ‘manly’ pa rin ang features niya.

Despite the glamorous styling and make up, hindi pa rin maitago at maitanggi ang ‘masculine ­energy’ niya.

Hindi pa siguro totally at fully nagki-kick in ang hormone treatment niya. It is an arduous process, I’d like to believe.

Siempre, dapat may kaakibat na psychological counselling ang kanyang transformation.

Ang status ng kanyang emotional health at well being ay nararapat na anchored at solid na ‘babae’ na siya.

Wala na kasing turning back ito kaya crucial na she represents herself as a woman now that all of the changes are happening.

Transgender siya na lady boy at the same time?

Hindi pa siya nagpapa-sexual reassignment, tama ba ako? Kung may penis at tesiticles pa siya, ano ang politically correct term na itawag kay King at sa relasyon nila ni Joey?

Babaeng may penis pa na lesbian si King? Eh si Mead, lesbian na rin ba siya o heterosexual pa rin?

Ang paborito kong boy borta, may mainam na paliwanag, “Si Angie, transgender kasi siya, mars. Okay lang na may putotoy siya dahil hindi siya transsexual.

“Si Joey Mead naman ay babae. Wala siyang homosexuality ek ek dahil lalaki ang nagustuhan niyang si Angelo at tinanggap lang niya kung ano ito.

“Mag-asawa pa rin ang tawag sa kanila.”

May kakaibang pana­naw ang dalawang mari­cones. Kuda ni maricon A, “May pera si King. Pwede namang umandar ang relasyon basta may pera.”

Hanash ni maricon B, “Basta ang sigurado ako, may yaman si Angie King. At habang mag-asawa sila, may anda si Joey Mead. ‘Yun lang.”

Sa totoo lang, okay na sa akin na nagugulumihanan ako. Different strokes for different folks, ika nga. Matatanda na sila to know what is best for them.

My only prayer is tunay sanang manalo ang pagmamahal sa pagkaka­taong ito.

At sabi of a dear female friend, dapat “Wala nang labels for better or for worse.”