Jodi, sobrang excited kay Robin

By

PAREHONG iniiwasan nina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang isyung break-up nila.

Tahimik lang sila ngayon.

Nagkaroon ng bagong Instagram ­account si ­Jolo, at mangilan-ngilan lang ang naipu-post niya.

Wala nang mga kuha nila ni Jodi.

Ilang beses namin ­siyang ­nakukumusta, okay lang ang sagot ­niya at iniiwasan nang matanong namin ang tungkol sa kanila ni Jodi.

Si Jodi ay consistent ding tahimik at malapit na itong mag-promote ng pelikula niya sa Star Cinema na Dear Other Self. Binabantayan ito ng handler niya para ­hindi matanong ang tungkol sa kanila ni Jolo.

Mahigpit na ipinagbabawal na itanong ang tungkol sa isyung iyun.

Maingat ding sumagot si Jodi, at game na game siyang sagutin kapag tungkol sa anak niyang si Third ang napapag-usapan.

Proud na proud kasi si Jodi na naka-­graduate with honors si Thirdy, at bale Grade 7 na ito sa ­susunod na pasukan.

Ibinahagi ng Kapa­milya actress kung gaano siya kasaya nang makita niyang nag-graduate ang kanyang anak.

“Iba pala ‘yung ­feeling.

“Kumbaga, isang milestone na naman ‘yung dumaan sa ­buhay… hindi lang ­buhay ko, kundi buhay ng anak ko na magga-­graduate na siya.

“Ngayon, mag-Grade 7 na siya. Kung wala pang K12, 1st year high school na ‘yun. Talagang may binata na, na isipin mo, wow!

“Time flies so fast na parang yesterday lang. Parang ang baby-baby niya, tapos ngayon, may binata na ako.

“Nakakatuwa lang na nandu’n ka, nakaupo ka, nandiyan siya, nagmamartsa siya,” paha­yag ni Jodi.

Kaya work na lang ­siya nang work at mabuti, nabibigyan siya ng magagandang project.

Natutuwa siya ­dahil ang babagets (Joseph Marco & Xian Lim) ng leading men niya sa Dear Other Self, at swak pa rin siya kahit nagma-mother role pa siya minsan.

“It’s a different ­experience,” nakangi­ting sagot ni Jodi.

Natutuwa siya sa Dear Other Self dahil first time niyang mag-shoot sa ibang bansa. Nag-shoot sila ng ilang eksena sa Thailand.

Pagkatapos nitong pelikula, aayusin na ang susunod na drama series na gagawin niya.

Halos one year na ­siyang hindi nakapag-teleserye. Pangako sa ‘Yo ang huli niya na kung saan tinangkilik din ang loveteam nila ni Ian ­Veneracion.

Ngayon ay hindi pa niya alam kung sino ang makakasama niya.

Sa Summer ID ­kasi ng ABS-CBN 2, si ­Richard Yap ang kasama niya. Hindi kaya magsasama sila uli ni ­Richard Yap?

Nabanggit naman ni Robin Padilla sa isang ­interview na baka mag­sama sila ni Jodi.

Wala pang alam si ­Jodi kung magkakaroon sila ng project ni Robin.

“Kung matutuloy man ‘yan, syempre, ­sobrang excited ako. ­Sino ba ­naman ang ayaw na makatrabaho ang isang ­Robin Padilla?” ­pakli ni Jodi.

Masaya rin siya ­para kay Ian dahil pagka­tapos ng kanilang loveteam, ngayon eh kay Bea Alonzo ito napi-pair sa A Love To Last.

“Natutuwa ako para sa kanila. Natutuwa ako para kay Ian, na naki­kita ngayon, kahit kanino siya i-pair, nagwu-work ‘yung tandem.

“Marami ang kinikilig sa kanilang dalawa,” tugon ni Jodi.