Jessy kanasa-nasa ang painosenteng alindog

By

MAY dahilan naman pala talaga para magningas nang husto ang relasyon ni Lucky Manzano kay Jessy Mendiola na parang wala nang katapusan ang kilig sa kanilang dalawa.

Aba, napakasuwerte naman pala ng panganay na ito ni Congresswoman Vilma Santos-Recto kay Jessy, kung ang pagbabasehan ay ang latest sexy photo nito na pinoste mismo ng Kapamilya star sa kanyang Instagram na kuha sa bakasyon nito ngayon sa Boracay.

Can I stay here forever? 😍 @discoveryshoresboracay #mendiolaban25

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Marahil ay nangi­nginig pa ang laman ni Luis sa paghanga sa alindog at kaseksihan ng kanyang girlfriend sa photo nito kung saan naka-semi side full body shot ito sa loob ng hotel room nito sa Boracay, na sinundan pa ng seksing photo na nakadapa ito sa kama.

Super-sexy talaga si Jessy sa suot na 2-piece bikini, na may nakasabit pang mala­king bulaklak sa kanyang tenga. Napakaganda ng kurba ng katawan ni Jessy na animo ay nililok ng isang mahusay na sculpture/artist.

Ang sarap hawakan ng mala-sutlang kutis ng aktres mula sa kanyang balikat pababa sa kanyang kurbadang balakang.

Inosente ang facial expression ni Jessy sa lara­wan, na lalong nagpatingkad ng kanyang kagandahan at kaseksihan.

Kumbaga sa isang masarap na putahe, ang alindog at kaseksihan ni Jessy ay kailanman ay hindi ‘mapapanis’ at hindi mapagsasawaan.

Kung pakakawalan pa ni Luis ang alindog ni Jessy, para na itong nagtampo sa isang masarap na grasya at gandang maaaring hindi na makita pa sa kahit na sino.

Sumisigaw na nga ang followers ni Luis sa Instagram na pakasalan na niya si Jessy at huwag nang paka­walan pa.